Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Bakit nilalangaw?

10 August 2017

Nakababahala ang mala-desperadong pag-alok ng mga taga-Consulado ng tiket para sa  isang pagtatanghal kailan lang. Hindi ito ang unang pagkakataon na halos isang linggo na lang ay saka sila magkukumahog na mamigay ng tiket, samantalang buwan ang ginawang preparasyon para sa  mga palabas na ito.

Kaya gaya ng nangyari sa nakaraang palabas sa isang malaking coliseum, na ginastusan ng malaki hindi lang sa costumes kundi sa produksiyon din, hindi kami magugulat  kung marami sa upuan ay bakante.

Kahit libre ang tiket.

Ang masakit ay nasasayang ang ginugol na malaking halaga at hirap sa pagtatanghal na ito, na noong mabuo ay naghihikahos sa manonood para masulit lahat.

Hindi mo masasabing iniwasan ng madla dahil pangit.

Hindi mo masasabing salat ito sa promotion dahil pinag-uusapan sa Facebook at sa mga tambayang OFW.

Hindi rin ito komersiyal, kaya hindi mo masasabing may pakay lang na magbenta ang mga nagtatanghal nito — na nagtataboy ng mga taong suspisyoso.

Hindi rin ito pakulo lang ng mga gustong magpasikat, dahil nasa likod nito ang gobyerno ng Hong Kong at iba pang respetadong organisasyon at kumpanya.

Ang kulang lang talaga —ang kaisa-isang tanong na hindi basta-basta masagot hanggang sa huling sandali — ay: Nasaan ang tiket?

Hindi natin masisisi ang mga taga-Konsulado kung wala silang kontrol sa mga tiket. Pero kung hinihingi ang tulong nila upang mapuno ang mga upuan sa mga ganitong pagtatanghal, dapat nilang idiin sa mga nag-organisa na hindi katanggap-tanggap ang tratong ito sa kanila. Ang paglalako ng tiket na ilang araw lang ang palugit ay pag-iimbita ng kabiguan.

Ang mga taong manonood na kailangan nilang maabutan ng tiket ay isang araw lang tuwing linggo kung lumabas. Kung sa mismong araw ng pagtatanghal lang nila makukuha ang tiket, kung kailan may ibang plano na sila sa araw na iyon, malamang mawalan sila ng interes.

Bakit din naman susuong sa gulo sa kuhanan ng tiket? Madaling tumalikod kung mahaba ang pila. Madaling bawiin ang suporta kung mapagtanto rin nilang hindi pala sila binigyan ng halaga.

Don't Miss