Binayaran naman siya ng kaukulang halaga, pero dahil wala nang bumibiyaheng sasakyan ay napilitan siyang nagpalipas ng gabi sa bus terminal. “Umiiyak ako sa pagkahabag sa aking sarili,” sabi ng Pinay na nakadalawang kontrata sa una niyang amo, at walong buwan sa masungit na pangalawa bago siya biglaang pinalayas.
Gutom na gutom pa raw siya ng mga panahong iyon pero ayaw niyang iwanan ang mga gamit niya kaya hindi na siya nahiyang nagpabili ng pagkain sa isang Intsik na nakasabay niyang sumilong sa bus terminal. Mabuti naman daw at mabait yung Intsik kaya pinagbigyan siya.
Pangatlo na siya sa mga kasambahay na biglaang pinapaalis ng walang habag na amo dahil lang daw hindi kontento sa kanilang trabaho.
Ang ikinasasama pa ng loob niya ay hindi daw sinagot ang message na pinadala niya sa Facebook page ng Konsulado para magtanong kung ano ang dapat niyang gawin.
Dahil may cyst siya sa ovary ay nagpasya siyang umuwi na muna sa kanilang bahay sa Pangasinan para magpagaling at doon na mag-aplay muli para makabalik sa Hong Kong. Siya ay may asawa at dalawang anak na 21 at 15 taong gulang. – Marites Palma