Sa araw ng balik niya ay alam niyang may inaasahang bisita ang kanyang mga amo para sa hapunan, kaya naman ibinaba lang niya ang bag at saka parang ipo-ipong nagligpit ng mga kalat.
Abalang-abala siya sa paghahanda ng hapunan nang dumating ang kanyang among babae. Namangha ito sa nadatnan dahil maayos at masinop na ang bahay. “How did you do it?” tanong daw nito.
Habang wala daw kasi si Natty ay hindi pumasok sa trabaho ang among babae para asikasuhin ang mga anak. Humingi ng paumanhin ang amo dahil sa nadatnan ni Natty na kalat. Inamin din ng amo na nakakapagod daw pala ang trabaho ni Natty dahil halos buong araw na nakatayo.
"
Sometimes, I am not nice to you,” sabi din daw ng amo. Hindi alam ni Natty kung ano ang magiging reaksyon sa sinabi ng kanyang amo. Hindi naman daw kasi “sometimes” kundi madalas ay masungit ang kanyang amo.
Pero umaasa siya na dahil sa natuklasan ng amo ay magkakaroon ito ng mas malawak na pang-unawa, lalo na sa mga pagkakataon na hindi niya nagawa ang ibang tungkulin . Si Natty, dalaga at Ilocano, ay limang taon na sa among Pranses na taga-Pok Fu Lam—Gina N. Ordona