Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nahuling nag-jaywalking

26 June 2017

Bitbit ang mga pinamili sa palengke ay biglang tumawid si Guia sa kalsada sa Sai Ying Pun, kahit nakita na niyang biglang nag green ang ilaw sa harap niya. Hindi niya namalayan na may pulis na naghihintay sa kanya sa kabilang dulo.

Nang hingin ang kanyang HK ID ay nagulat pa siya. “What is the case, sir?” ang tanong niya.

“Jaywalking,” sagot naman ng pulis.

Sinubukan pa niyang mangatwiran, at sinabing isang beep pa lang ang narinig niya, gayong alam niyang 10 beep pa ang dapat lumipas bago umandar ang mga sasakyan sa kabilang parte ng kalsada.

Ayon naman sa pulis, sa unang beep pa lang ay dapat na siyang tumigil dahil baka biglang umandar ang mga sasakyan sa tatawiran niya. Kung hindi naman, baka biglang mag-preno ang drayber, at mabangga ito ng ibang sasakyan sa likod. Naka green na kasi ang ilaw nila, at pula na ang sa mga patawid.

Noong Sabado, Hunyo 10, ay nakatanggap siya ng summons kung saan nakasulat na kailangan niyang mag report sa Julyo 13, 2:30 ng hapon sa Eastern court para sa hearing ng kanyang kaso. Kung gusto daw niyang umamin ng kasalanan ay i-fill-up niya yung form at ipadala muli sa pulis sa pamamagitan ng koreo. Pagkatapos ay papadalhan siya muli ng sulat kung saan nakasaad kung magkano ang multa na dapat niyang bayaran.

Nagdesisyon siyang umamin sa kasalanan, at huwag nang ipaalam sa amo ang nangyari.

Sa tinagal-tagal niya sa Hong Kong ay ngayon  lang daw siya nagka kaso. Payo niya sa mga kapwa niya Pinay, mag-ingat lagi sa pagtawid, at sundin ang traffic light at baka matulad sa kanya na napadalhan ng summons.

Hindi rin biro ang makatanggap ng ganitong sulat, sabi ni Guia na isang Batanguena, 54 taong gulang, at 28 taon na sa Hong Kong. – Merly Bunda

Don't Miss