Ayon sa mga kaibigan ni Cecile, nakita pa nila itong namalengke tatlong linggo na ang nakakaraan. Mula sa palengke ay dumiretso daw ito sa opisina ng amo dahil pinaglilinis din siya doon. May nakasabay daw siyang apat na lalaki pagsakay sa lift. Tinanong daw siya ng mga ito kung saan siya pupunta, at sinabi niya ang totoo, na maglilinis siya ng opisina ng amo.
Magmula noon ay hindi na nila nakita si Cecile. May balita sila na nakasuhan ito at kasalukuyang nasa Lai Chi Kok detention centre, pero hindi nila matiyak.
Samantala, ang amo ay hindi raw hinuli gayong ito naman ang nag-utos kay Cecile na gumawa ng labag sa kanilang kontrata.
Ayon sa mga kaibigan ng Pilipina, matagal na nilang sinasabihan ito na itigil na ang ilegal na trabaho pero ayaw daw makinig dahil binabayaran siya ng ekstra ng amo. Sa kaunting halaga ay kulong ang inabot nito. – Merly Bunda