Heat stroke ang sinabing sanhi ng pagkamatay ni Janet |
Ito ay ayon sa nakababatang kapatid ng yumao na si Mary Ann Coloma na nagtatrabaho din sa Hong Kong.
Agad daw ipinaalam ng mga amo sa pulis ang pangyayari, ngunit dahil wala nang pulso si Janet ay hindi na ito dinala sa ospital at idiniretso na sa punerarya. Lumabas sa naunang pagsusuri na may tatlong oras na siyang patay nang makita, at heat stroke ang sanhi.
Ayon kay Mary Ann, nakakaranas daw ng paminsan minsang pagtaas ng presyon sa dugo si Janet, na siyam na taon nang naninilbihan sa kanyang mga amo. ngunit bukod dito ay wala na silang alam na sakit ang kapatid.
Si Janet nang manalo sa Battle of the Brains' contest ng FMA |
Tumaas pa ito ng bahagya sa 33 degrees kinabukasan, araw ng pagkamatay ni Janet. Nanatiling mainit ang panahon hanggang bumuhos ang ulan noong Hunyo 10,
Ayon sa babala, malapit sa heat stroke ang mga nagtatrabaho ng matagal sa mga mainit o maalinsangang lugar. Kabilang dito ang mga tagalinis, nagtatrabaho sa kusina, sa construction, at mga kargador.
Ang mga unang sintomas ng heat stroke ay pagkauhaw, pakiramdam na nasusuka, o pagsakit ng ulo. Mauuwi ito sa hirap sa paghinga, pagbilis ng pintig ng pulso, pagkahilo, pagkalito o pagkawalan ng malay at kombulsyon.
Sabi ni Mary Ann labis na nalungkot ang kanyang pamilya sa pagpanaw ni Janet dahil napakabait nitong ate, anak at ina sa nag-isa nitong anak na dalaga na nasa ikatlong taon sa kolehiyo.
Nakatakdang iuwi ang mga labi ni Janet sa kanilang bayan sa Mabini Gamu, Isabela sa Hunyo 19, pagkatapos ng maiksing burol, mula ika-10 hanggang 11 ng umaga, sa Fu Shan mortuary sa Taiwai. Sasamahan ito sa pag-uwi ng dalawa niyang kapatid.- Marites Palma