Ayon sa kanya tinatrato siyang isang dagdag palamunin. Nagpapatunay dito ang mga kabarangay niya na nandito sa Hong Kong. Lagi daw siyang pinapalo at iniiwan mag-isa sa bahay, lalo na nang mamatay ang kanilang ina.
Nagsumikap si Mae na makarating sa Hong Kong dahil sa pay now pay later noong taong 2015. Nang nagkaroon na sya ng pera lahat ng ipinag-kait sa kanya noong bata siya gaya ng librong pambata ay bumibili siya. Ayon kay Mae, pati yung mga baby food na hindi daw niya natikman noong bata siya ay bumibili siya ngayon.
Sa paglipas ng ilang buwan nakaipon siya ng sapat na pera upang mamasyal sa Dubai habang naka kontrata sa Intsik niyang amo sa North Point. Pagdating sa Dubai, naghanap siya ng trabaho bilang clerk. Doon niya nakilala ang ngayon ay kanyang asawa, isang Amerikano na may-ari ng isang software company.
Ngayon ay higit na mayaman na siya kumpara sa kanyang mga ate at kuya, ngunit mapagkumbaba pa rin. Ayon sa kuwento ng isang kapatid niya na nandito sa Hong Kong, ang gamit ni Mae ay environmental bag pa rin dahil ayaw ipangalandakan na marami siyang pera.
Ang madalas niyang gawin ngayon ay ang mapalipad lipad na papuntang Amerika, Dubai o di kaya sa Pilipinas para bisitahin ang kanyang gusaling pinapaupahan. Si Mae ay taga Bulacan. —-Cris Cayat