Tiis tiyaga lang ang kanyang ginawa niyang pakikisama sa amo na masyadong tuso. Sa stockroom na walang bintana siya pinapatulog at ni electric fan ay hindi siya binibigyan.
Pero nang umabot sa isang taon ang pitong buwan ang kanyang paninilbihan noong Mayo 19 ay bigla siyang pinababa.
Binayaran siya ng kanyang suweldo at isang buwang pasabi pero ang plane ticket niya ay hanggang sa Maynila lang at hindi sa lugar na nakasaad sa kanyang kontrata. Gayunpaman ay tinanggap niya ang ibinigay na ticket at dala ang kanyang mga gamit ay umupo sa isang parke at inisip na doon na muna magpalipas ng magdamag.
Pero may isang kapwa Pilipina na nakakita sa kanya at matapos niyang ikuwento ang nangyari sa kanya ay inalok siya nito na sa bahay na lang nila muna siya pumunta dahil nasa bakasyon naman sa Singapore ang amo nito.
Laking pasalamat ni Laila sa kabaitang ipinakita ng kababayan na noon lang niya nakilala.
Si Laila ay may asawa at anak na maliit pa nang iwan niya sa kanilang lugar sa Iloilo. – Merly T. Bunda