Bagamat nabigla ay sinubukan pa rin niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya para pagsilbihan ang malaking pamilya.
Sa kasamaang palad ay hindi pa rin ito naging sapat dahil makalipas lang ang limang araw ay tinerminate siya ng kanyang amo dahil daw hindi siya marunong mag Cantonese.
Wala sa loob na pumirma siya ng kasulatan na siya ang nag-terminate sa kontrata, at tinatanggap ang sahod para sa limang araw na trabaho bilang kabuuang bayad.
Nang sabihin niya ang nangyari sa mga kamag-anak ay sinamahan siyang magreklamo sa Konsulado ngunit wala na daw silang magagawa dahil pumirma na siya sa kasunduan. Humingi din sila ng tulong sa kanyang agency ngunit bagkus na tulungan siya ay pinagalitan pa siya dahil pumirma siya sa kasulatan na hindi man lang niya binabasa at inaalam muna ang kanyang karapatan.
Hindi na siya tinulungan ng agency na makahanap ng ibang amo.
Sinubukan din niyang mag-aplay sa ibang ahensya nguni’t walang tumulong sa kanya dahil limang araw lang siya nakapagtrabaho. Naubos ang 14 araw na palugit na hindi siya nakakakita ng ibang amo.
Sabi naman ng mga kamag-anak, “charge to experience” na lang daw ang nangyari. Pinayuhan din siya na laging pag-aaralan ang mga ginagawang hakbang, at basahing mabuti kung ano man ang pinapapirma sa kanya.
Si Gracia ay isang Ilokana, dalaga at tubong Nueva Ecija.- Marites Palma