Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Hindi inaasahang biyaya

16 May 2017

Eksaktong dalawang dekada na si Tina dito sa Hong Kong at sa wakas ay matutupad na rin ang isa sa mga pangarap niya nang una siyang mag-abroad, ang magkaroon ng sariling bahay.

Bagong salta pa lang si Tina noon ay nagplano na siyang bumili ng bahay pero naisantabi dahil ginusto niyang unahin ang responsibilidad sa pamilya at mga kapatid. Sa paglipas ng panahon, tumaas na ng husto ang halaga ng bahay kaya tuluyan nang nakalimutan ni Tina ang pangarap.

Ngunit kamakailan ay isang pambihirang biyaya ang natanggap ni Tina. Sa udyok ng amo ay naghanap siya ng condominium unit sa Maynila. Binigyan siya ng amo ng mahigit isang milyong pabuya para sa downpayment na halos 43% sa kabuuang halaga ng bahay.

Ngunit hindi doon natapos ang pagbuhos ng biyaya ni Tina dahil nangako na rin ang amo niya na tutulungan siyang bayaran ng buo ang balanse.

Dahil dito malaki, ang matitipid ni Tina dahil hindi na niya kailangang humiram sa bangko kung saan may nakakabit na interes ang halagang uutangin.

Hindi man matutumbasan ni Tina ang kagandahang-loob ng kanyang amo, magseserbisyo siya ng husto bilang kapalit. Si Tina, dalaga, ay apat na taon pa lang na naninilbihan sa amo na nakatira sa Mid-levels.—-Gina N. Ordona

Don't Miss