Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Eh, kasi nakinig sa sabi-sabi

30 May 2017

Hindi biro ang stress at pag-aalala na naranasan ni Magda bago niya natanggap ang bago niyang pasaporte. Mahigit limang buwan niya itong hinintay at tuwing punta niya sa Konsulado para mag-follow up ay malabo ang nakukuha niyang kasagutan.

Pero kung may mahalagang leksyon na natutunan ni Magda sa buong karanasan ay ang dapat siyang magtanong sa kinauukulan at huwag basta naniniwala sa sabi-sabi.

Ilang linggo bago ang nakatakdang pag-uwi ni Magda sa Pilipinas ay nagparehistro siya para sa Balik-Manggagawa Online at kumuha na rin ng OEC exemption. Noong nasa eroplano na siya pauwi, nabanggit ng kanyang katabi na wala daw silbi ang pagkuha nila ng OEC exemption dahil hindi naman ito tinatanggap.

Nagtaka si Magda dahil wala naman siyang nabalitaan na pagbabago sa patakaran pero iginiit ng kausap na totoo ang sinasabi niya. Sinabi pa nito na wala namang mawawala kung kukuha na lang ng OEC pagdating niya sa kanilang lugar.

Para maiwasan ang anumang aberyang mangyari pagbalik ng Hong Kong, pumunta nga si Magda sa POEA pagdating niya sa Davao para kumuha ng OEC. Hindi  sumagi sa isip niya na magtanong sa POEA kung sadyang walang bisa ang OEC exemption na kinuha niya.

Ang masaklap, dahil limang buwan na lang ang bisa ng kanyang pasaporte, kailangan daw muna niyang pumunta sa DFA para kumuha ng passport extension at nang mabigyan siya ng OEC. Habang nasa DFA, itinuloy na rin niya ang pag-apply para sa bagong pasaporte.

Pinayuhan siya na pagbalik ng Hong Kong ay pumunta siya sa Konsulado para hilingin sa DFA-Davao na dito na ipadala ang kanyang pasaporte.

Nakakuha ng OEC si Magda at maayos siyang nakabalik sa trabaho, pero huli na nang malaman niya na hindi naman ito kailangan dahil may OEC exemption na siya.

Nakailang balik din siya sa Konsulado para mag-follow up sa kanyang pasaporte. Si Magda, 30, may asawa at tatlong anak, ay apat na taon na sa HK.—Gina N. Ordona

Don't Miss