Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ayaw na sa among magulang

20 May 2017

Kasalukuyang naghahanap ng malilipatan si Charito, isang Manilenya at may tatlong anak. Malapit na kasing matapos ang kontrata niya sa amo niyang Indian na nagpahirap sa kanya nang husto.

Bale tatlong pamilya ang pinagsilbihan niya. Alas kuwatro pa lang ng umaga ay gising na siya para maghanda ng sandwiches para sa almusal ng kapatid at magulang ng amo niya na nasa ibang bahay. Hatid-sundo din niya sa eskwela ang dalawang anak ng isa pang kapatid ng kanyang amo.

Sa bahay ng sariling amo ay siya rin ang gumagawa ng lahat ng trabaho, kaya pagod na pagod siya.

Nagtiis lang daw siya para hindi ma-terminate dahil may tatlo siyang anak na mag-isang itinataguyod. Nakipaghiwalay siya sa kanyang mister 19 taon na ang nakakaraan dahil sa pambabae nito. Halos hindi na sila maabutan ng pera sa dami ng mga anak nito sa labas.

Dahil sa kanyang sariling pagsisikap ay naitaguyod niya ang kanyang mga anak, at sa ngayon ang panganay niya ay third year na sa nursing.

Para mapagkasya ang kanyang kita ay katakot-takot na pagtitipid ang ginagawa nilang mag-iina. Wala silang internet sa bahay kaya wala sila lahat sa Facebook, at nagkakasya sa texting at paminsang tawagan sa telepono para magkamustahan.

Mismong telepono ni Charito ay hindi na halos mabasa ang keypad sa kalumaan. Sa kabila nito ay desidido pa rin si Charito na kumayod ng husto dahil gusto niyang mailagay sa mabuti ang kanyang mga anak. – Merly T. Bunda

Don't Miss