Pinangalandakan pa nung pinagsanlaan niya na isang Pilipina din na nasa kanya ang pasaporte ni Mary at hindi mababawi kung hindi siya magbabayad.
Ayon kay Mary, pinipilit ng nagpautang sa kanya na ihulog muna niya ang bayad sa account nito sa bangko bago ibalik ang kanyang pasaporte pero natural na hindi siya pumayag. Gusto niya ay kabilaan para siguradong mabalik ang kanyang dokumento.
Pinatawag ng Konsulado ang nagpautang at nagharap sila noong Marso 28.
Nagtapat si Mary na wala siyang perang pantubos dahil ibinayad niya sa boarding house, sa pagkain at sa agency dahil naghanap siya ng bagong amo. Walang nagawa ang nagpautang kundi ibalik ang pasaporte ni Mary para siya makauwi.
Ganunpaman, hindi rin lubusang nakalusot si Mary dahil pinapirma siya ng kasunduan sa Konsulado na babayaran niya ang inutang, at hindi na niya ulit isasanla ang kanyang pasaporte dahil hindi na siya kailanman bibigyan ng kapalit kapag ginawa niya ito. – Merly Bunda