Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Binale-wala ang sakit ng ulo

06 April 2017

Nagsimula sa simpleng sakit ng ulo ang karamdaman ni Leah kaya hindi matanggap ng mga kamag-anak at mga kaibigan ang bigla nitong pagpanaw kamakailan.

Ayon sa kanyang kaibigan na si Hilda, laging may dalang gamot si Leah noon para may mainom kapag inaatake ng matinding sakit ng ulo. Kalaunan, sa udyok ng mga kamag-anak ay napilitan si Leah na kumunsulta sa doktor.

Nirekomenda ng doktor na sumailalim si Leah sa mas malalim na pagsusuri dahil may kakaiba sa laging pagsakit ng kanyang ulo ngunit binalewala lang niya ang payo. Nagkasya na lang siya sa pag-iinom ng gamot para maibsan ang sakit na nadarama niya.

 Kamakailan ay nakatanggap ng mensahe si Hilda mula sa amo ni Leah na taga Wanchai. Isinugod daw ang kanyang kaibigan sa ospital dahil biglang bumagsak habang nagluluto ng hapunan.

Isinailalim siya sa ilang pagsusuri at natuklasan na may tumor siya sa utak at kailangan siyang maoperahan. Bagamat nag-alok ang kanyang amo ng tulong upang maipagpatuloy ang kanyang pagpapagamot sa Hong Kong ay mas pinili ni Leah na umuwi na lang sa Pilipinas.

Sa tulong ng kanyang amo ay maayos naman siyang nakauwi sa kanyang pamilya sa Bulacan kung saan ginugol niya ang kanyang mga huling araw kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. Si Leah, dalaga, ay 14 na taon na nagtrabaho sa Hong Kong. —-Gina N. Ordona

Don't Miss