Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ang tunay na ingay

08 April 2017

Ni Ate Kulit

Maraming ingay ang naririnig natin mula sa Pilipinas, na karamihan ay sanhi ng politika: ang dumaraming namamatay dahil sa “Drug War”, mga “destabilization plot” laban kay Pangulong Duterte, mga bantang impeachment laban sa dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, pu**ng ina dito at pu**ng ina doon, intriga dito at intriga doon.

Pero mayroong ingay na dapat pinagtutuunan natin ng pansin dahil ito ang tunay na sukatan ng husay sa pagpapatakbo ng bansa: ang ekonomiya.

Isa sa mga palatandaan ng lakas ng ekonomiya ay ang lakas  ng piso. Sa pagpasok ng taong 2017, bumagsak ng piso sa pinakamababang lebel nito sa nakaraang 10 taon. Kung nagsasaya ang mga OFW dahil mas maraming piso ang katumbas ng kanilang kinikita ngayon, maghintay lang sila dahil ang dating padala nilang piso ay hindi na sapat—tumataas din ang presyo ng bilihin ng  kanilang pamilya.

Isa pang nagpapakita ng lakas ng ating ekonomiya ay ang labas at  pasok ng pera sa ating bansa sa pamamagitan ng kalakal at pamumuhunan. Dito, halos nauubos na ang lakas natin: ang tinaguriang “current account surplus” (ang matitira kapag ibinawas mo ang lumabas mula sa pumasok na pera sa bansa) ay bumagsak ng 91.7% noong nagsara ang 2016. Ito ay $601 million  na lang, kumpara sa $7.3 billion noong nakaraang taon. Ang malaking dahilan nito ay ang malaking paglaki (46.2%) ng trade deficit (kung saan kinapos ang export laban sa import) na pumalo sa $34.5 billion.
May nagbabanta pang kasunod iyan.

Halimbawa, pinagiisipan na ng European Economic Community na tanggalin  ang mga prebilehiyo ng Pilipinas sa pangangalakal dahil sa paglabag nito sa karapatang pantao. Ang magiging resulta nito ay dagdag na buwis sa mga produktong inaangkat nito mula sa Pilipinas. Dahil dito, magiging  mas mahal ang mga ito kumpara sa mga produktong galing sa mga bansang karibal ng Pilipinas.

Hindi na bago sa atin ang pagbagsak at  paglago ng ekonomiya. Kailan lang ay naging  ikalawa ang Pilipinas sa may pinakamalakas na ekonomiya sa buong mundo; ngayon, ito ay ikatlo sa pinakamahina sa ASEAN.

Ano ang dapat gawin upang maiwasang malugmok ito?
Don't Miss