Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pera-pera lang ang gusto sa kanya

22 March 2017

Si Sharlyn ay tubong Mindanao na nakapagtrabaho sa Singapore ng 11 taon. Sa loob ng panahong ito, halos lahat ng kanyang sahod ay sa pamilya niya napunta. Tinulungan niya kasi ang mga kapatid at pamangkin sa kanilang pag-aaral.

Nang maglaon ay naisipan niyang lumipat sa Hong Kong dahil mas malaki ang sasahurin niya. Sa panahong ito siya nakapagpatayo ng sariling bahay kung saan kasama niyang tumira ang kanyang ina.

Dumating ang panahon na iniwan na sila ng kanyang ina, at naisipan niyang mag-asawa para may kasama pa rin siya sa buhay. May nakilala siyang isang biyudo na may dalawang anak na 22 taon na at may asawa, at isang 19 taon na nag-aaral pa, ngunit ang mga magulang ng lalaki ang gumagastos.

Hindi na nagdalawang isip si Sharlyn nang alukin siya ng kasal dahil 41 taong gulang na rin siya. Pinakasalan niya ang biyudo, at doon niya nakita ang hindi magandang pag-uugali ang kanyang mga kapatid at mga pamangkin.

Galit sila sa lalaki dahil daw biyudo ito at may dalawang anak, nguni’t sa tingin ni Sharlyn ang tunay na dahilan ay dahil hindi na sila makakaambon ng grasya mula sa kanya.

Naisip niya na pera lang niya ang minahal ng mga kapatid niya sa kanya. Ngayon ay 11 taon na siya sa HK at nag-iipon na lang ng pera na ipandadagdag sa capital nila ng asawa para sa binabalak na negosyo pag nag for good na siya. Sabi ni Sharlyn, mas mabuti pa rin ang may sariling pamilya. – Merly Bunda

Don't Miss