Ang hindi lang napaghandaan ay ang pagod ng biyahe. Siya ay senior na, pero ang sabi niya ay malakas pa rin siya dahil ang kanyang trabaho sa amo dito sa Hong Kong ay messenger. Lagi siyang nasa bangko dahil sa kung ano-anong pinapabayad sa kanya ng kanyang amo.
Ganoon na lang ang tiwala nito sa kanya kaya di siya mabitaw-bitawan.
Hindi niya akalain na dahil sa sobrang lakwatsa ay maoospital siya sa Pilipinas. Doon lang din niya nalaman na iisa na lang pala ang kanyang lapay o kidney. Nagulat pa siya nang sabihin ng doktor sa kanya na mag-ingat sya dahil iisa na lang pala ang kanyang kidney.
Ayon sa doctor, matagal nang iisa ito batay sa ginawa nitong pagsusuri.
Sabi naman ni Adela, hindi siya nagpatanggal ng kidney kahit kailan. Agad niyang tinawagan ang kapatid na nandito din sa Hong Kong para kunsultahin, pero wala ring masabi ang kanyang kapatid. Wala silang alam na okasyon kung kailan ito naalis. Si Adela na tubong Batangas ay nagtatrabaho pa rin sa among taga Kowloon. - Cris Cayat