Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nagpapaloko ka?

11 March 2017

Ni Ate Kulit

Mayroon na naman kaming nabalitaang naloko ng mga illegal recruiter kamakailan. Hindi lang sobrang laki ang singil, halos imposible pa (pero sobrang kaakit-akit) ang pangako: ang makapagtrabaho ang asawa  nila bilang construction worker (at makasama) sa Hong Kong.

Isa-isang naglalabasan ang mga biktima. Isa-isang kuwento ang lumulutang tungkol sa pagkakaibigan at relasyong nasira dahil ang biktima sa Hong Kong ay naging ahente pa para sa kanilang mga lugar sa Pilipinas, bago madiskubre nilang sila ay naloko.

Bakit ba hanggang ngayon, matapos ang paulit-ulit na paalala, ay marami pa rin ang naloloko ng mga illegal recruiter? Bakit, matapos mailathala ang mga karanasan ng daan-dang nabiktima ng mga nag-aalok ng mga trabahong wala naman, ay nagkalat pa rin ang nagrereklamo na naloko sila?

Iisa ang kuwento nila. Iisa ang modus operandi. At iisa rin ang pakay: Ang makuha ang perang pinaghirapan nila sa pamamagitan lang ng pambobola. Kung regular kang nagbabasa ng The SUN, makikilala mo ang panloloko sa unang tingin pa lang.

Hindi natin masisisi ang mga manloloko, dahil habang pinagkakakitaan nila ito ay hindi sila titigil. Ika nga, walang manloloko kung walang magpapaloko.

Isa pa, sa mga kasong nakita na natin, ang mga nangangako ng pekeng trabaho sa Hong Kong at iba’t ibang bansang pangarap nating marating ay hindi napaparusahan upang magtino. Wala pang por-mayor, ika nga, sa panloloko ang nakukulong. Ito ay dahil sa karaniwang pagtingin ng mga maykapangyarihan sa Hong Kong, ang mga nagrereklamo ay gusto lang maningil at ginagamit sila para sa napaka-pribadong transaksiyong ganito.

Kaya naman na-perfect na ng manloloko ang modus operandi upang samantalahin ang sistema, gaya ng two-week rule na nagsasabing dapat umuwi ang isang OFW kung wala pa ring makitang bagong amo sa loob ng dalawang linggo matapos ma-terminate o mag-expire ang kanilang kontrata.
At kahit lantaran nang peke ang mga ipakita sa kanila, gaya ng pekeng air ticket, marami pa rin ang naniniwala.

Ano ba tayo mga katribo, desperado o tanga lang? Hindi ba puwedeng maging bingi sa mga ganitong kalokohan?
Don't Miss