Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Natinik, nagka-cancer

13 February 2017

Ni Merly Bunda

Isang Ilongga ang kasalukuyan ngayong sumasailalim sa radio therapy matapos matagpuang may cancer sa dila, at sumailalim sa dalawang maseselang operasyon.

Ayon kay Gema Principe Albacete, 36 taong gulang, may asawa’t apat na anak at taga Dingle, Iloilo, nag-umpisa ang kanyang problema nang matinik siya sa isda limang buwan na ang nakakaraan. Nagka-sugat siya ng dahil dito at anim na beses na niyang pinatingnan sa mga doktor nguni’t hindi ito gumaling.

Noong Set. 22 ay nagpasya ang kanyang amo na ipa-biopsy siya, at ang lumabas na resulta ay may stage 2 cancer siya sa dila.

Para makasiguro ay nagpa MRI si Gema sa St. Paul’s Hospital sa Causeway Bay noong Okt. 6. Hindi lang nakumpirma sa pagsusuri na may cancer siya, kundi madami na ang mga lymph nodes o tumor sa kanyang dila, at kailangan nang tanggalin.

Agad siyang isinailalim sa operasyon sa Pamela Youde Nethersole Hospital sa Chaiwan noong Okt 24 na tumagal ng 15 oras: mula 9am hanggang 1am kinabukasan. Tinanggal ng mga doktor ang mga tumor sa kanyang dila, at tinapalan ito ng balat na galing sa kanyang hita. Pagkatapos ng operasyon ay sinabihan diumano si Albacete na stage 3 na ang cancer niya.

Noong Nob. 10 ay muli na naman siyang inoperahan para tanggalin ang itinapal na balat sa kanyang dila dahil hindi ito tugma.

Makalipas ang 11 araw ay pinayagan na siyang umuwi ng doktor pero kailangan niyang magpa radiotherapy sa loob ng 30 araw, Lunes hanggang Biyernes.

Bago mag-umpisa ang kanyang radio therapy ay isinailalim muli siya sa CT scan, at ganoon na lang ang panlulumo nilang lahat dahil may nakita na namang bukol sa bandang kaliwa ng kanyang dila. Mabuti na lang at matapos itong i-biopsy ay nakitang hindi ito cancerous.
Nag-umpisa ang kanyang radiotherapy noong Dis. 14 at nakatakda itong magpatuloy hanggang Enero 25 ngayong kasalukuyang taon.

Sa lahat ng kanyang pinagdaanan ay todo suporta ang kanyang amo. Nguni’t pagkatapos nilang mag-usap kamakailan ay sinabi ng amo na hindi na nila ulit kukunin si Gema kapag natapos ang kanilang kontrata ngayong Abril. Wala na raw silang makuhang health insurance para sa kanyang patuloy na pagtatrabaho dahil sa kalagayan niya kaya mabigat man sa loob ay kailangan na siyang umuwi at magpahinga.

Don't Miss