Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nakakabobo ba ang pagiging OFW?

23 February 2017

Naabutan ni Judy si Rina na naglalakad kasama ang alaga sa playground, at nagkumustahan sila ng sitwasyon sa amo at ng kani kanilang pamilya. Maganda sa una ang kanilang kwentuhan hanggang sa nasambit ni Rina ang ganito kay Judy.

“Alam mo Judy, nakakabobo pala ang maging domestic worker dito sa Hong Kong, hindi gaya sa Taiwan lalo na sa mga nagtratrabaho sa mga factory doon. Dito maghapong alaga lang kasama, linis, luto, laba, plantsa, sobrang nakakabobo talaga.”

Sabi pa niya na malapit na siyang uuwi at babalik na lang sa Taiwan.

Nagpipigil si Judy na hindi magalit kaya ipinaliwanag na lang niya kay Rina na marami namang paraan para hindi mabobo habang naninilbihan na kasambahay. Marami daw na mga paraan para mapagyaman ang sarili at hindi mapurol ang utak, gaya ng pagbabasa ng mga diyaryo at magasin, pag surf sa internet, pagsali sa mga organisasyon at mga seminar, at pag-aaral ng di pormal sa mga livelihood program na iniaalok ng OWWA.

Nakumbinsi naman si Rina sa kasagutan ni Judy pero huli na ang lahat dahil nakapagbigay na siya isang buwang pasabi sa mga amo at nakatakda na rin siyang umuwi pagkalipas ng ilang araw. Sa madaling salita, hindi na niya pwedeng bawiin ang wala sa oras na pagbabalik niya sa Pilipinas.

Sa ngayon ay kasalukuyang nag-aaply si Rina sa mga ahensiyang nagpapapunta sa Taiwan. Gagastos siyang muli sa agency fee, samantalang si Judy ay patuloy na humuhugot ng lakas at inspirasyon sa kanyang pagsasayaw at pagsali sa mga patimpalak na nakakatulong para lumawak ang kanyang kaalaman at interes. Si Judy ay may anak at tubong Visayas, na kasalukuang naninilbihan sa Shatin. – Marites Palma

Don't Miss