Bilang pasasalamat ay biniyayaan din niya ang kanyang dalawang kapatid na narito rin sa HongKong. Binigyan niya sila ng tig $500 na pang-shopping, at pangkain pa maghapon. Lubos ang kasiyahan nilang magkakapatid dahil ilang oras din silang nagka kuwentuhan at kulitan.
Si Cely ang panganay sa anim na magkakapatid, at tumayo bilang pangalawang ina ng mga ito. Maaga siyang nakapag-abroad, kaya pinag-aral ang mga kapatid, at kalaunan ay hinanapan ng trabaho sa Hong Kong ang mga nakatatanda para tulong-tulong silang magpaaral sa mga naiwan sa Pilipinas.
Lahat ay nakapag-abroad na rin. Naniniwala ang mga nakababatang kapatid ni Cely na kaya pinagpapala ang kanilang ate ay dahil hindi siya nagdamot sa kanila ni minsan. Hindi naman nagpapabaya si Cely sa sarili dahil panay ang kanyang pag-iipon at nang sa gayon ay may aasahan sa panahong kailangan na niyang mamahinga.
Ang huling perang ibinigay sa kanya ng mga amo na aabot sa Php60,000 ang kabuuang halaga ay inilagak niya sa bangko, bagamat nagtira ng kaunti para mai- blowout ang mga kapatid.
Si Cely ay 45 taong gulang, may asawa at anak at tubong Cagayan Valley. Kasalukuyan siyang naninilbihan sa mga among Intsik Sa Central.- Marites Palma