Pagkapananghalian noong Enero 16 ay sumakay si Jeje at ang kanyang popo sa light rail train mula sa Gainza station papunta sa palengke. Nang i-swipe niya ang kanyang Octopus card pasakay ay nag-beep ito pero nakapasok pa rin si Jeje.
Pagdating ng train sumunod na stop, sa Locwood station ay sumakay ang mga inspector dala ang kanilang machine reader, at isa-isang tiningnan ang kanilang Octopus. Pagdating kay Jeje ay nakita nilang zero na ang balance nito.
Pinababa siya at ang kanyang popo, at pinagmulta siya ng $290.
Hiyang hiya si Jeje pero pilit niyang ginigiit na nang sumakay sila ay nakita niyang may 30 cents pang laman ang kanyang Octopus. Mangiyak-ngiyak din siya dahil naubos na ang kanyang allowance sa buong linggo dahil sa multa.
Kinagabihan ay sinabi niya sa kanyang amo ang nangyari, at agad naman nitong ibinalik ang $290 niya. Bagamat nakahinga na ng maluwag, pinagbibilin pa rin ni Jeje sa mga kapwa Pinay na siguraduhin lagi na may laman ang kanilang Octopus bago sila gumamit ng pampublikong sasakyan at nang hindi sila mapahiya at mapahamak.
Si Jeje at may asawa at isang anak na lalaki. Nagtrabaho siya dati sa Singapore at Italy bago nagpunta ng Hong Kong. – Merly Bunda