Nakakuha ng tatlong nominasyon ang pelikulang “ Ang Babaeng Humayo” para sa 11th Asian Film Awards na gaganapin sa Hong Kong Cultural Centre sa March 21. Nominado si Lav Diaz para ito sa best screenplay at best director, at si Charo Santos bilang best actress. Ang naturang pelikula ay nauna nang nanalo sa 73rd Venice Film Festival noong nakaraang taon, nang makuha nito ang pinakamataas na parangal na Golden Lion Award, at naging nominado rin bilang best actress si Charo. Tinalo nito ang ilang malalaking pelikula, kabilang na ang Hollywood film na La La Land na nanalong best film (comedy or musical) sa katatapos na Golden Globe awards.
Ang mga nominado:
Best Film - The Wailing (South Korea), The Age of Shadows (South Korea), Harmonium (Japan), Godspeed (Taiwan), I Am Not Madame Bovary (China)
Best Director- Lav Diaz (“Ang Babaeng Humayo”), Na Hong-jin (“The Wailing”),
Koji Fukada (“Harmonium”), Derek Tsang (“Soul Mate”), Feng Xiaogang (“I Am Not Madame Bovary”)
Best Actor- Michael Hui (“Godspeed”), Gong Yoo (“Train to Busan”), Asano Tadanobu (‘Harmonium”), Fan Wei, Mr. (“No Problem”), Richie Jen (“Trivisa”)
Best Actress - Charo Santos (“Ang Babaeng Humayo”), Son Ye-jin (“The Last Princess”)
Fan Bingbing (“I Am Not Madame Bovary”), Haru Kuroki, (“A Bride for Rip Van Winkle”), Kara Wai (“Happiness”)
Best Supporting Actor- Jun Kunimura (“The Wailing”), Ma Dong-seok (“Train to Busan”), Ayano Go (“Rage”), Dong Chengpeng/Da Peng (“I Am Not Madame Bovary”)
Lam Suet (“Trivisa”)
Best Supporting Actress - Elaine Jin (“Mad World”), Moon So-ri (“The Handmaiden”)
Maeda Atsuko (“The Mohican Comes Home”), Shabana Azmi (“Neerja”), Lynn Xiong (“See You Tomorrow”)
Best Newcomer - Kim Tae-ri (“The Handmaiden”), Takara Sakumoto (“Rage”), Firdaus Rahman (“Apprentice”), Wu Tsz-tung (“Weeds on Fire”), Lin Yun (“The Mermaid”)
Best Screenplay - The Salesman, Ang Babaeng Humayo, Your Name, The Handmaiden,
Trivisa
Best Editing - The Handmaiden, Rage, Train to Busan, Apprentice, Operation Mekong
Best Cinematography - After the Storm, The Age of Shadows, I Am Not Madame Bovary, Mr. No Problem, The Wasted Times
Best Original Music - Soul Mate, The Age of Shadows, Three, Godspeed, Rage
Best Costume Design - The Wasted Times, The Handmaiden, The Sanada Ten Braves,
Train to Busan, See You Tomorrow,
Best Production Design - The Handmaiden, Pandora, A Bride for Rip Van Winkle, See You Tomorrow, Railroad Tigers
Best Visual Effects - Train to Busan, Shin Godzilla, Railroad Tigers, See You Tomorrow
Best Sound - The Wailing, Crosscurrent, Shin Godzilla, Cold War 2
Ang mga hurado ay pamumunuan ng Chinese director na si Jia Zhangke. Ang Hong Kong actress na si Karena Lam ay isa sa mga hurado.
CAMILLE, IKINASAL NA
Ikinasal na ang Kapuso actress/host na si Camille Prats sa non-showbiz fiancé niyang si VJ Yambao noong January 7. Ginanap ang garden wedding sa Nayomi Sanctuary Resort sa Balete, Batangas, na pag-aari ng pamilya Prats.
Kabilang sa mga bridesmaids ay ang mga showbiz friends ni Camille na sina Kaye Abad- Castillo, Pauleen Luna-Sotto, Sherilyn Reyes- Tan, Yayo Aguila at ang kanyang hipag na si Isabel Oli-Prats, asawa ng kuya niyang si John. Gaya ng ipinangako kay Camille, dumating si Ogie Alcasid upang awitin ang “ Pangarap Ko Ang Ibigin Ka” sa kanyang kasal.
Ilan pa sa mga celebrities na dumalo, ay sina Sam Milby, kasama ang girlfriend na si Mari Jasmine, Diana Zubiri, kasama ang asawang si Andi Smith, Nikki Valdez at kanyang boyfriend, Sheena Halili, at ang engaged couple na sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap. Naroon din sina Sarah Jane Abad at asawang si Jay Contreras, Paul Jake Castillo, asawa ni Kaye at ang komedyanteng si Pooh.
Sina VJ at Camille ay dating magkaklase noong mga bata pa sila, at muling nagkatagpo ang landas noong 2013.
Ito ang pangalawang pagpapakasal ng aktres. Ikinasal siya sa nasirang si Anthony Linsangan noong 2008, sa isang civil wedding sa Amerika, at sinundan ng engrandeng kasal sa Santuario de San Jose sa Forbes Park noong noong March, 2010. Nagkaroon sila ng anak, si Nathaniel Cesar, na ngayon ay walong taong gulang na, bago pumanaw si Anthony sa sakit na nasopharyngeal cancer noong 2011.
CARLA, PABORITONG AKTRES SA VIETNAM
Tinanghal na “Most Favourite Foreign Actress” ang Kapuso star na si Carla Abellana sa Vietnam sa katatapos na Today TV’s Face of the Year Awards noong January 7.
Pinasalamatan ni Carla ang kanyang mga Pilipino at Vietnamese fans na sumusuporta sa kanya at bumoto sa kanya online kaya daw siya nanalo.
Tatlong TV series na pinagbidahan ni Carla ang naipalabas na sa Today TV sa Vietnam:
“Kung Aagawin Mo Ang Langit”, “My Husband’s Lover” at “My Destiny” kaya nagiging paborito na siya ng mga manonood.
Malapit na ring mapanood ang isa pa niyang tv series, ang “Because Of You” sa naturan ding TV station.
Masaya ang lovelife ni Carla sa piling ng kanyang boyfriend na si Tom Rodriguez.
Kapag may oras ay nagta-travel sila, kaya marami na rin silang napuntahan. Nitong nakaraang buwan ay sumunod si Carla sa Amerika kay Tom upang doon mag-new year. Nagbakasyon si Tom doon upang makasama ang kanyang pamilya at mabisita ang kanyang 76 year old na ama, na nagpapagaling sa sakit na cancer.
SHARON, SUBSOB SA TRABAHO SA 2017
Binigyan ng magandang tribute ng ASAP si Sharon Cuneta noong Lingggo, January 8, para sa kanyang birthday celebration. Kinanta ng mga sikat na Kapamilya singers, tulad nina Martin Nievera, Sarah Geronimo, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Toni Gonzaga, at marami pang iba, kasama rin si Ogie Alcasid, ang mga awiting pinasikat ni Sharon. Inawit din ng mga anak ni Sharon na sina Frankie at Miel ang awiting “I-Swing Mo Ako”.
Sa taong ito, sasabak ng husto sa trabaho si Sharon. Sa ngayon ay kinaaliwan na ng manonood ang show na “Your Face Sounds Familiar Kids “. Malapit na ring simulan ang new season ng The Voice.
Balik din siya sa pag-arte sa mga nakalinyang pelikulang gagawin niya, una na rito ang reunion movie niya sa dating ka-loveteam, at dating asawang si Gabby Concepcion.
Bukod pa sa kanyang mga TV at film projects, babalikan na rin ng Megastar ang pag-record ng mga bagong awitin. Inihahanda na ang kanyang unang album sa ilalim ng Star Music.
Kabilang dito ang awiting “ Hanggang Dulo” na inawit niya sa ASAP noong Linggo, bilang finale sa kanyang birthday celebration.
Pinasalamatan ni Sharon ang ASAP family sa Facebook, na may kasamang “unedited, unretouched” niyang larawan, kung saan ay makikita na ang mas sexier at slimmer niyang katawan, na matagal na panahon din niyang inasam.
PANGANAY NI OGIE, BALIK-PILIPINAS
Dumating sa Pilipinas noong January 11 si Leila Alcasid, 19, ang panganay na anak nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren.
Plano nitong tumira ng isang taon sa Pilipinas at marami raw siyang gustong subukang gawin. Nakatapos na ng kolehiyo ang dalaga, at sa ngayon ay may inumpisahan ng blog upang maibahagi ang kanyang “adventures”.
Nakatira siya ngayon sa bahay nina Regine Velasquez at ng kanyang ama, kasama ang anak nilang dalawa na si Nate.
Lumaki at nag-aral si Leila sa Australia, kasama ang kanyang ina at kapatid na si Sarah.
Pero kahit nagkahiwalay ang kanyang mga magulang at may iba nang asawa, ay nanatiling magkaibigan ang mga ito, kaya magkasundo ang kani-kanilang pamilya. Kapag nagbabakasyon sa Australia sina Regine, Ogie at Nate ay sa bahay ni Michelle sila tumitira, at kapag ang pamilya naman nito ang nagbabakasyon sa Pilipinas ay sa bahay nila Regine at Ogie sila tumutuloy.
Hindi pa malinaw kung balak ding pumasok si Leila sa showbiz, bagama’t maganda rin ito, na hindi kataka-taka, dahil dating beauty queen ang kanyang ina (Miss Australia). Baka rin naman namana nito ang musicality ng kanyang ama, na isang mahusay na singer at composer, bukod pa sa magaling na komedyante, host at industry leader.
Dating presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) si Ogie.