Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

MMFF 2016 official entries iba sa nakaraan

01 December 2016

Ni Johna Acompanado

Gaya ng naunang ipinahayag, malaking pagbabago ang magaganap sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa taong ito. Matapos ang maraming taon na nakasanayan ng mga manonood, hindi napabilang sa mga napiling kalahok ang mga pelikula nina Vic Sotto (Enteng Kabisote), Coco Martin at Vice Ganda (Super Parental Guardians). Hindi rin napasama ang pelikula nina Vhong Navarro (Mang Kepweng) at Mother Lily ng Regal Entertainment (Mano Po 7).  

Sa halip, mga pawang maituturing na indie films ang walong pelikulang napili, kabilang na ang Sunday Beauty Queen, na isang documentary film na tumatalakay ng pang araw-araw na buhay ng mga domestic helper dito sa Hong Kong. Kinunan ang halos buong pelikula sa Hong Kong, at tampok ang ilang grupo na regular na nagdaraos ng beauty contest para sa mga OFW. Sa direksyon ni Baby Ruth Villarama.


Ang iba pang napili ay ang mga sumusunod:
1) Ang Babae sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough – (comedy ),  starring Eugene Domingo, Jericho Rosales, director: Marlon Rivera
2) Vince & Kath & James –  (light romance comedy), Cast: Julia Barretto, Josh Garcia, Maris Racal at Ronnie Alonte. Director: Ted Boborol
3) Kabisera – (drama), starring Nora Aunor, Ricky Davao, JC de Vera, Jason Abalos, Victor Neri, Perla Bautista, Ces Quesada, RJ Agustin, Ronwaldo Martin at Kiko Matos. Directors: Arturo San Agustin at Real Florido
4) Oro (Gold) – (drama), Cast: Irma Adlawan, Joem Bascon, Mercedes Cabral, Sandino Martin, Sue Prado, Arrian Labios, Biboy Ramirez, Cedrick Juan, Ronald Regala. Director: Alvin Yapan
5) Saving Sally – (love story with 2D animation), starring Rhian Ramos, TJ Trinidad, Enzo Marcos. Director: Avid Liongoren
6) Die Beautiful – (comedy/drama),  Paolo Ballesteros, Luis Alandy, Gladys Reyes, Albie Casino, Lou Veloso, Inah de Belen. Director; Jun Robles Lana
7) Seklusyon – (horror), Cast: Dominic Roque, Ronnie Alonte, Neil Ryan Sese, Lou Veloso, Elora Espano, Phoebe Walker. Director: Erik Matti

Marami ang humuhulang hindi gaanong tatangkilikin ng mga tao ang mga MMFF entries dahil walang malalaking artista ang mga ito. Pero may mga sang-ayon naman sa pagpili ng Selection Committee na pinamumunuan Dr. Nicanor Tiongson, author, Manunuri ng Pelikulang Pilipino member at dating MTRCB chair.

Ang iba pang miyembro ng committee ay ang writer-poet at Palanca hall of famer (iterature) na si Alfred Yuson, QC Vice Mayor Joy Belmonte,  actor/director at political activist Mae Paner, actor Ping Medina, writer/director/ film editor Lawrence Fajardo, NCCA legal counsel Atty. Trixie Angeles, radio station manager Alan Allanigue, at entertainment columnist Crispina Belen.
Layunin ng MMFF na mabago ang dating kalakaran sa MMFF upang mas mabigyan ng pansin ang kalidad ng pelikula sa halip na palakihan ng pangalan o paramihan ng sikat na artista  ang mga napipiling kalahok.

Inaasahang maglalaban sa takilya ang “Die Beautiful” ni Paolo Ballesteros, na nagkamit ng best actor trophy sa Tokyo Film Festival nitong nakaraang buwan, at ang “Ang Babae sa Septic Tank” ni Eugene.

Samantala, tila magkakaroon ng sariling festival ang ilang pelikulang hindi nakalusot sa pamantayan ng MMFF. Balitang magsasalpukan pa rin sa takilya ang mga pelikula nina Vic Sotto at Vice Ganda/ Coco Martin, at maging ang “Mano Po”ng Regal Films dahil ipapalabas ang kanilang pelikula ng mas maaga, bago pa simulan ang MMFF (Dec 25 – Jan. 7).

ATOM, BIDA SA PELIKULA
Kaabang-abang ang muling pagbabalik sa paggawa ng pelikula ni Mike de Leon, isa sa  pinakamahuhusay na director ng pelikulang Pilipino. Ipinahayag niya kamakailan na nahanap na niya kung sino ang gaganap sa pangunahing papel sa kanyang gagawing pelikula, ang “Citizen Jake”. Siya ay si Atom Araullo, ang sikat na reporter/journalist ng ABS CBN.

Bagama’t hindi artista, akmang-akma raw kay Atom ang kanyang magiging role bilang isang reporter sa pelikula. Nakailang beses daw silang  nag-usap bago napapayag si Atom na tanggapin ang alok. Hindi raw matanggihan ni Atom ang batikang director dahil alam niya kung gaano ito kahusay gumawa ng mga makabuluhang pelikula.

Sa parte ni de Leon, malaking sugal daw ang gagawin niya sa pagkuha kay Atom, pero naniniwala daw ito sa kakayahan ng reporter dahil matalino ito, may paninindigan at mahusay pang sumulat. Dahil hindi  ito “showbiz”, hindi “starring Atom Araullo” kundi “featuring Atom Araullo” ang kanilang gagamitin. Kakaiba ang pelikula sa dati na niyang nagawa, hindi lang dahil baka ito na ang huling pelikula niyang gagawin, kundi maganda raw ang kanilang subject matter. Kasalukuyan daw niyang inaaayos ang screenplay, pero marami pa rin silang ginagawang pananaliksik. Sa ngayon ay wala pa rin silang listahan ng mga artista na makakasama ni Atom sa pelikula.

Si de Leon ang lumikha ng mga klasikong pelikulang “Itim”, Kisapmata”, Sister Stella L”, “Batch ‘81", “Kakabakaba Ka Ba?”, “Kung Mangarap Ka’t Magising”, “Bayaning Thirld World” at “Maynila sa Kuko ng Liwanag” (bilang producer at cinematographer).

Bukod sa pagiging reporter, si Atom, 34, (Alfonso Tomas Pagaduan Araullo sa tunay na buhay) ay isang model, triathlete, news presenter at TV host. Siya ay nagtapos ng kursong BS in Applied Physics sa UP Diliman. Nagtapos siya elementarya sa Ateneo de Manila at high school sa Philippine Science High School. Isang binata, siya ay isa sa pinakapopular na TV personalities, at lalong dumami ang kanyang tagahanga nang bansagan siyang “man in the rain” sa kanyang matapang na coverage sa supertyphoon Yolanda nang manalasa ito sa Tacloban. Noong Agosto ay nag-resign siya bilang reporter sa mga news program na TV Patrol, Bandila at ANC dahil diumano sa kanyang opinyon tungkol sa noo’y pinag-uusapan pang pagpapalibing kay dating pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Balitang may magagandang offers siyang natatanggap mula sa ibang TV stations, at ang isa ay triple sa tinatanggap niyang sahod ang alok sa kanya. Napapanood pa rin siya bilang host sa “Umagang Kay Ganda” at “Red Alert”.

JASMINE, BEST ACTRESS SA CINEMA ONE ORIGINALS
Nanalo bilang best actress si Jasmine Curtis Smith sa katatapos na 2016 Cinema One Originals Film Festival para sa pelikulang “Baka Bukas”, kung saan ay gumanap siya bilang isang lesbian. Inalay ni Jasmine ang kanyang panalo sa LGBT community sa kanyang acceptance speech.

“Mabuhay ang LGBT community!” sigaw ni Jasmine na pinalakpakan ng mga tao. “We have a voice. I am with you guys whether I am LGBT or not. I stand with you guys and I will be with you all the way.”

Tinalo niya sina Shaina Magdayao (Lily), Natalie Hart (Tisay) at Peewee O’Hara (Si Magdalola at ang mga Gago).

Ang iba pang nanalo: Best actor: Rocky Salumbides ( Lily), best supporting actress: Natileigh Sitoy (Lily), best supporting actor: Jameson Blake (2Cool 2 Be 4gotten). Best Picture: 2Cool 2 Be 4gotten, best director: Keith Deligero (Lily), special Jury Prize: Si Magdalola at ang mga Gago, People’s Choice award: Baka Bukas, best short film: Maria (JP Habac).

BB GANDANGHARI, BABAE NA
Masayang ipinahayag ni Binibini Gandanghari sa kanyang Instagram account na “official” na ang kanyang pagiging babae. Inaprubahan ng korte sa Los Angeles ang kanyang hiling na palitan ang pangalan niya bilang Binibini Gandanghari, at kasarian bilang “female”, na inihain niya noong Agosto.

“This is it! And I thought this day would never come! And I thank my GOD and my LORD for making these things happen. Everything makes sense now, and to this great country the United States of America for providing this [basic human right]. Thank you!”

Ang aktor na nakilala noon bilang si Rustom Padilla ay naging asawa ni Carmina Villaruel, pero naghiwalay sila. Noong 2006, inamin niya sa reality show na Pinoy Big Brother, celebrity edition na siya ay bakla. Nang lumaon, pinili niyang kilalanin siya sa bago niyang pangalang BB Gandanghari at sinabi niyang patay na ang Rustom Padilla.

Sa programang “Tapatan ni Tunying” noong 2014, sinabi niya na siya ay isang transgender, at hindi gay. Noong nagladlad daw siya ay wala naman siyang boyfriend o karelasyon, at tatlong taon bago niya na-realize niya na hindi siya gay, kundi isang  transgender.

Don't Miss