Dahil sa ginawang ganti ng tindera ay katakot-takot na panlalait ang inabot niya mula sa iba-ibang tao na hindi naman alam ang tunay na nangyari.
Ayon kay Maricris, balak niya talagang makipagkita sa tindera noon, ngunit bigla siyang tinawagan ng kanyang employer at may ipinagawa sa kanya. Dahil hindi siya nakasipot ay katakot-takot na private messages ang ipinadala ng tindera.
Sa inis ni Maricris ay blinock niya ito sa FB, ngunit lingid sa kanyang kaaalaman ay na screen capture na ng tinder ang kanyang profile picture at pati ang kanilang sagutan sa messenger.
Agad na nanghingi ng payo si Maricris sa isang kaibigan kung ano ang kanyang gagawin. Ang payo nito ay isumbong niya sa pulis ang ginagawang pagtitinda ng nakaaway niya dahil illegal ito ayon sa batas ng Hong Kong.
Ang isang domestic worker ay dapat lang magtrabaho sa loob ng bahay ng kanyang amo, at hindi sa ibang lugar at sa taong hindi nakapirma sa kanyang kontrata. Kasama na dito ang pagtitinda sa online.
Kung tutuusin pala, hindi dapat nagtatapang ang mga online sellers dahil anumang oras ay maaari silang mahuli, at baka makulong pa at maipatapon pabalik sa Pilipinas. Ayon kay Maricris, bahala na kung ano ang mangyari sa mataray na tindera dahil ito naman ang nag-umpisa ng gulo.
Si Maricris ay nakatira sa Tuen Mun, at sa tingin niya ay taga Kowloon naman ang nagtinda sa kanya. – Marites Palma