Laking gulat niya nang bigla siyang sisantehin kinabukasan, at pababain noon din. Nagbalik-tanaw siya sa kung ano ang posibleng dahilan bukod sa paghingi niya ng prutas, at naalala niya na nagreklamo na din siya minsan na nahihilo siya tuwing pumupunta sila ng alaga niyang baby sa bahay ng lola nito.
Mula daw noong magreklamo siya ay yung matanda na ang pumumunta sa kanila, at marahil ay nadagdagan ang inis ng amo nang humiling siya ng prutas araw-araw.
Nagsisisi man ay wala siyang nagawa kundi tanggapin ang kanyang isang buwang sahod at parehong halaga kapalit ng isang buwang pasabi, kasama ang plane ticket pauwi.
Sa ngayon ay nagbabakasali siyang makakita ng ibang amo, at kapag may kumuha daw sa kanya ay hindi na siya magrereklamo. Naisip niya tuloy ang payo ng kanyang agency na huwag magrereklamo kung bago pa lamang dahil baka iyon ang maging dahilan ng pagkawala ng trabaho.
Si Leila ay tubong Bisaya at may pamilyang iniwan sa Pilipinas. – Marites Palma