Naka-upload din ito sa Dropbox, isang internet service, para kahit nasa biyahe ang mga amo ay maari pa rin nilang makita ang listahan. Pagsapit ng katapusan ng buwan ay sabay nilang rerepasuhin ang listahan at pag-aaralan ang gastos.
Noong una ay napagkakasya ni Minda ang pera pero kalaunan ay lagi na siyang humihingi ng dagdag dahil madalas silang may bisita. Ayaw din kasi ng amo niyang babae na tinitipid ang pagkain nila at dahil dito, pakiramdam ni Minda ay naiipit siya sa gitna.
Minsan ay hindi napigilan ni Minda ang sariling umiyak habang ipinapaliwanag sa among babae na nahihirapan siyang pagkasyahin ang pera.
Naintindihan naman siya ng among babae at nangakong ito na ang hahawak ng budget pero hanggang ngayon ay ang among lalaki pa rin niya ang gumagawa nito.
Kaya naman si Minda ang napipilitang maghahanap ng paraan na pagkasyahin ang pera nang hindi isinasakripisyo ang kalidad ng inihahain niya sa hapag-kainan. Si Minda na isang Ilokana ay naninilbihan sa isang pamilya sa na nakatira sa Mid-levels.—Gina N. Ordona