Pinagkaguluhan si Coco Martin at mga kasamahang sina Yassi Pressman at McNeal “Awra” Briguela sa grand fans day ng “Ang Probinsyano” na ginanap sa Hong Kong Cultural Centre piazza sa Tsim Sha Tsui noong Dec. 11.
Maaga pa lang ay nakaabang na ang iba’t ibang fans club sa Hong Kong ni Coco, gaya ng CocoJam at Coco- Yassi upang makahanap ng magandang puwesto. Hindi magkamayaw ang mga fans nang dumating si Coco at umawit na may kasama pang sayaw.
Nagpamalas din sa husay sa pagsayaw at pag-awit si Yassi, na leading lady ni Coco sa top rated na TV series. Lingid sa kaalaman ng marami, si Yassi ay isinilang at lumaki sa Hong Kong. Dito sa Hong Kong nagkakilala ang ina niya na isang Pilipina at tubong Isabela, at ama niya na isang Briton. Sa Pilipinas na naninirahan si Yassi at ang kanyang nakababatang kapatid na babae, kasama ang kanilang ama.
Ang batang aktor na si Awra ay ipinakita rin ang husay sumayaw at pagkanta. Una siyang nakilala nang sumikat sa You Tube ang kanyang video bago siya napasama sa “Ang Probinsyano”. Kasama rin siya sa pelikulang “The Super Parental Guardians” na kasalukuyang tumatabo sa takilya, na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco, kasama ang child actor ding si Xymon “Onyok” Pineda. Kamakailan ay isinamang mag-shopping ni Vice si Awra dahil natutuwa daw ito sa kanya, na tulad niya ay isa ring gay, at nakikita raw nito ang sarili kay Awra noong siya ay bata pa.
Ang TV series na “Ang Probinsyano” ay patuloy pa ring namamayagpag sa ratings kahit isang taon na itong napapanood.
CESAR, NA-APPOINT NA PINUNO NG TPB
Si Cesar Montano ang pinakabagong nadagdag sa listahan ng mga celebrities na itinalaga sa posisyon sa gobyerno sa ilalim ng Duterte administration. Hinirang siya bilang pinuno ng Tourism Promotions Board (TPB), isang ahensya sa ilalim ng Department of Tourism. Ito ay ipinahayag ni Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo nang humarap ito sa Commission on Appointments noong Dec 7. Ang appointment papers daw ni Cesar bilang TPB chief operating officer ay nilagdaan ni Pres. Duterte at dinala sa kanyang tanggapan noong Dec 5.
Ayon kay Sec. Teo, noon pa mang Oktubre ay nagpaalam na si Cesar na mag-ko-courtesy call siya pero sinabihan daw niya itong hintayin muna ang kanyang appointment papers. Sila ay unang nagkita sa China, kung saan ay kabilang siya sa delegasyon ni Pres Duterte na bumisita doon. Si Cesar ay nandoon din daw upang makipag-usap sa mga Chinese film producer para sa posibleng tie-up sa paggawa ng pelikula. Naabisuhan na rin daw siya ng Presidential Management Staff tungkol sa appointment ni Cesar. Inamin niya na may iba sana siyang gustong maupo sa puwesto at isunumite na niya ang pangalan nito, pero wala na raw siyang magagawa dahil ibinigay na ito kay Cesar.
Ang iba pang celebrities na nabigyan ng posisyon sa gobyerno ay sina Liza Dino bilang FDCP chair, Aiza Seguerra sa National Youth Commission, at Arnell Ignacio bilng bise president sa Pagcor, o Philippine Games and Amusement Corporation.
SARAH G, PANALO SA 29TH MUSIC AWARDS
Napanalunan ni Sarah Geronimo ang top award na Album of the Year para sa kanyang album na “The Great Unknown” sa 29th Music Awards na ginanap noong December 7 sa Music Museum.
Ang Song of the Year ay nakuha naman ni Ebe Dancel para sa kanyang awiting “Bawa’t Daan”. Bukod dito, nanalo rin siya para sa best inspirational recording (Bawa’t Daan), best engineered recording, best world music recording (Kasayaw), at best song para sa movie/tv/stage play para sa tv series na “ Ang Probinsyano”, ang awiting “ ‘Wag Ka Nang Umiyak”.
Ang mga nanalo:
Best Inspirational Recording - “Bawat Daan” ( Ebe Dancel)
Best Christmas Recording - “Apat na Buwang Pasko” (Jon Santos)
Best Performance by a Child - “Believe in Magic” (Julia Concio )
Best Musical Arrangement - “Pero” (Conscious and the Goodness)
* Best Vocal Arrangement - “Waters of March” ( Moy Ortiz) ,
Best Engineered Recording - “Bawat Daan” (Ebe Dancel)
Best Album Package - “Greetings from Callalily” (Callalily)
Best World Music Recording - “Kasayaw” ( Ebe Dancel )
Best Novelty Recording - “Siopao na Pag ibig” ( K.A. Antonio)
Best Song Written for Movie/TV/Stage Play – “Wag Ka Nang Umiyak,” - Ang Probinsyano (Ebe Dancel at Gloc 9)
Best Jazz Recording - “Pero” ( Conscious and the Goodness)
Music Video of the Year - “Walang Anuman” (Nicole Asensio)
Best Instrumental Performance - “The Sound of Life”
Most downloaded song for 2015 - “Wish I May” (Alden Richards)
Most downloaded artist for 2015 - Alden Richards
Best Selling Album of the Year – “Wish I May” (Alden Richards)
Best Performance by a new group recording artist – Gravity (“Imposible”)
Best Performance by a New Male Recording Artist – Daryl Ong ( “Mabuti Pa”)
Best Performance by a New Female Recording Artist – Kris Angelica (“Sabi Sabi”)
Best Ballad Recording - “Araw Gabi” (Aiza Seguerra)
Best Pop Recording - “Free Fall into Love” (Marion Aunor)
Best Dance Recording - “Lala” (Yassi Pressman)
Best R&B Recording - “Parang Wala Lang” (Tippy Dos Santos)
Best Rock/Alternative Recording - “Firepower” ( Bamboo)
Best Performance by Group Recording Artist - Harana (“LDR”)
Best Collaboration - “Triangulo” ( Thyro, Yumi at Jeric Medina)
Best Performance by a Male Recording Artist - Thor Dulay (Paano ko Sasabihin)
Best Performance by a Female Recording Artist – Tippy Dos Santos (Parang Wala Lang)
Song of the Year - “Bawat Daan” (Ebe Dancel )
Album of the Year - “The Great Unknown” (Sarah Geronimo)
Dangal ng Musika award - Boyfriends
DENNIS AT ANDI, PANALO SA FAMAS
Limang major awards ang napanalunan ng pelikulang “Felix Manalo” sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences, Inc (FAMAS) Awards 2016 na ginanap noong December 4. Nanalo ito ng best film, best screenplay, best director para kay Joel Lamangan, best theme song at best actor para kay Dennis Trillo.
Si Andi Eigenmann ay tinanghal na best actress para sa pelikulang Angela Markado.
Ang iba pang nanalo:
Best Supporting Actor - Gabby Concepcion ( Crazy Beautiful You)
Best Supporting Actress - Lorna Tolentino (Crazy Beautiful You)
Best Child Performer – JM Ibañez (Crazy Beautiful You)
Best Story - Robby Tantingco (Ari: My Life with A King)
Best Screenplay: Bienvenido Santiago (Felix Manalo)
Best Cinematography - Rain Yamson (Silong)
Best Editing - Carlo Francisco Manatad ( Para Sa Hopeless Romantic)
Special Awards:
FAMAS Lifetime Achieve-ment Awardee – Gloria Sevilla
Presidential Award – Vilma Santos-Recto
Fernando Poe Jr. Memorial Award – Robin Padilla
Dr. Jose Perez Memorial Award – Jojo Gabinete
German Moreno Youth Achievement Awards: Jak Roberto, Sanya Lopez at Gabbi Garcia
JENNYLYN, MAY BAGONG LEADING MAN
Ipinakilala na ang bagong leading man ni Jennylyn Mercado sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang “My Love From the Star”, na si Gil Cuerva, isang Filipino-Spanish model. Siya ang ipinalit kay Alden Richards na una nang napili, pero hindi natuloy.
Tila pasado naman sa mga fans ang baguhang aktor dahil dumami agad ang followers niya sa Instagram. Ang hiling lang ng marami ay ipagupit nito ang napakahaba niyang buhok.
Hindi rin naman siguro magiging hadlang ang pagkakaroon nito ng girlfriend upang pakiligin ang mga fans at sumikat siya, dahil open na rin naman ang relasyon ni Jennnylyn kay Dennis Trillo. Ang mahalaga ay bagay sila, at mabibigyan nila ng buhay ang mga gagampanan nilang papel bilang sina Steffi at Matteo sa isa sa pinaka-popular na Koreanovela.
PINOY BOYBAND SUPERSTARS, BUO NA
May bago na namang iidolohin ang mga kabataang Pinoy sa katauhan ng mga nanalo sa Pinoy BoyBand Superstar. Matapos ang ilang linggong make-over, rehearsal at performance, botohan at elimination, ang limang kabataan magiging miyembro ng bagong boyband na tatawaging BoybandPH ay sina Niel Murillo,23, Russel Reyes,18, Ford Valencia, 21, Tristan Ramirez,23, at Joao Constancia,19.
Bawa’t isa sa kanila ay tumanggap ng tig-isang milyong piso, motorsiklo, at kontrata sa Star Magic.
Hindi pinalad na makasama sa top 5 sina Mark Oblea at pati si Tony Labrusca, na hinuhulaang sisikat din bilang aktor dahil isa siya sa pinaka-guwapo at pinaka-popular sa grupo.
Sa ginanap na finale noong Linggo, Dec. 11, nagpakitang gilas sa pag-awit at sayaw si Sandara Park, isa sa mga judges ng naturang show at dating miyembro ng sikat na Korean all female band na 2NE1, bago ito binuwag kamakailan.
Ang iba pang judges ay sina Vice Ganda, Yeng Constantino at Aga Muhlach, sa kayang muling pagbabalik sa showbiz, pagkatapos ng ilang taong pamamahinga.