Ni Johna Acompanado
Nagkabalikan na ang dating magkasintahang sina Zsazsa Padilla at Conrad Onglao, matapos silang mag-break noong May 2016 pagkatapos ng dalawang taong relasyon.
Aksidenteng nagkitang muli ang dalawa sa isang mall sa Makati, kaya nagkaroon sila ng pagkakataong magkausap ng masinsinan, at inabot daw ng ilang oras ang kanilang pag-uusap na nauwi sa muli nilang pagkakasundo. Maliban sa pagkumpirma sa kanilang pagkakabalikan, mas gusto na lang ng dalawa na manahimik at gawing pribado na lang ang kanilang relasyon ngayon. Pero balitang nag-apply na sila ng marriage license.
Ayon sa isinulat ng isa sa mga malapit na kaibigan ni Conrad na si Thelma Sioson-San Juan ng Inquirer, nakatakda nang magpakasal noon ang dalawa nang biglang nagdesisyong umuwi sa kanyang bahay si Zsazsa at nakipag-break. May Cartier promise at engagement rings na nga daw na ibinigay sa singer. Ayon kay Conrad, hindi daw niya alam ang dahilan pero desidido siyang makipagbalikan dahil si Zsazsa daw ang "the best thing that happened ever happened to me".
Parehong tikom ang bibig ng dalawa sa dahilan ng hiwalayan nila noon, pero kahit ilang beses nang nagtangkang makipag-usap si Conrad ay naging matigas si Zsazsa. Ang tanging ibinahagi ng singer/actress noon sa mga ang-uusisa ay maikling “ We tried. It didn't work out.”
Dahil tila wala nang pag-asang magbalikan sila ay nagluto ng adobo at nag-imbita na si Conrad ng mga kaibigan sa kanyang bahay kamakailan para sa isang "move-on dinner," pero si Zsazsa pa rin daw ang kanilang napag-usapan.
Masyado daw nalungkot si Conrad noon dahil nasanay na siya sa nakagawian nilang gawin noon: bahay, ASAP show, Sunday mass, gym, Salcedo market tuwing Sabado at family lunches or dinners. Marami na rin daw siyang nakarelasyon noon, pero nang matagpuan daw niya si Zsazsa, “ It’s been a long journey, but in the end it was worth the wait.”
BIMBY, BINISITA ANG BABY BROTHER
Ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account ang pagdalaw nila ng kanyang anak na si Bimby (James Yap, Jr.) sa bagong silang na kapatid nito, na anak nina James Yap at girlfriend na si Michela Cazzola noong October 22. May larawang magkakasama sina Kris, Bimby at Michela, na nilagyan niya ng caption na “There's no perfect formula for mothering except to do it with LOVE. I am grateful that today we gave our sons the opportunity to meet & hopefully have genuine bonding as brothers... Because in the end, the good men we are able to raise will be products of our guidance & unconditional love as mothers.”
Sa isang larawan naman ay makikita si Bimby na katabi at tinitignan ang kanyang baby brother.
Sabi ni Kris: “I reached out to James & asked if it would be okay for Bimb to meet his baby brother. I prayed a lot for this day to arrive when we'd all be ready, because I just want what is best for my bunso. Thank you James & Mic for graciously welcoming us into your home. Mic went out of her way to prepare carbonara for Bimb & to bake an Italian chocolate pie for our merienda.”
Samantala, si Michela din ay nag-post sa kanyang Instagram account ng litrato nila ni Bimby. Sabi niya sa caption, “My baby boy met his brother today.”
ELMO AT JANINE, HIWALAY NA
Break na sina Elmo Magalona, 22, at Janine Gutierrez, 27, pagkatapos ng dalawang taong relasyon. Bagama’t kinumpirma ni Janine ang balita, hindi sila nagbigay ng detalye maliban sa “personal reasons”, daw ito.
Nagkalapit ang dalawa nang pagtambalin sa remake ng Villa Quintana, at nong 2014 ay inamin nilang may relasyon na sila sa oresscon ng kanilang tv series na “More Than Words”. Noong nakaraang taon ay lumipat si Elmo sa ABS CBN, at naging regular performer sa ASAP, hanggang siya na ang regular na ka-love-team ni Janella Salvador, at gawin ang TV series na “Born For You”. Tila wala namang namamagitan sa kanila ng bago niyang ka-love team, dahil hindi ikinakaila ni Elmo na may iba siyang karelasyon noon. Ito rin siguro ang dahilan kaya hindi gaanong kinagat ng manonood ang kanilang TV series, kaya tinapos na agad ito at hindi na na-extend.
COCO AT JENNELYN, PANALO SA STAR AWARDS
Nanalo bilang best drama actress si Jennelyn Mercado para sa kanyang naging role sa TV series na “My Faithful Husband” at si Coco Martin bilang best actor para sa papel niya sa “Ang Probinsyano” sa pinagsabay na awards night ng PMPC Star Awards for Music & Television na ginanap noong October 23 sa Novotel Manila sa Araneta, Quezon City.
Nagkaroon ng tilian at kantiyawan nang saglit na nagkasama sa stage ang dating magkasintahang sina Jennelyn at Luis Manzano na isa sa mga naging hosts, matapos tanghaling best actress si Jennelyn.
Ang ilan sa mga nanalo:
8th Star Awards for Music:
Pop Album of the Year: Alden Richards
Best Album Cover: Darren Espanto
Rock Album of the Year: Avalon Beyond
Acoustic Album of the Year: Aiza Seguerra
Dance Album of the Year: Hashtags
Compilation Album of the Year: Gary Valenciano
R&B Album of the Year: Kris Lawrence
R&B Recording Artist of the Year: Kris Lawrence
Best Male Recording Artist of the Year: Jed Madela
Best Female Recording Artist of the Year: Jolina Magdangal
New Male Recording Artist: Derrick Monasterio and Idolito Dela Cruz
New Female Recording Artist: Janella Salvador
Duo/Group of the Year: Top One Project
Acoustic Artist of the Year: Aiza Seguerra
Rock Artist of the Year Award: Bamboo
Best Male Pop Artist: Alden Richards and Darren Espanto
Best Female Pop Artist: Marion Aunor
Best Male Concert Performer: Martin Nievera for Royals
Best Female Concert Performer: Sarah Geronimo for From The Top
Concert of the Year: Love Catcher of Lani Misalucha
Music Video of the Year: Vice Ganda and Edward Benossa
Song of the Year: Wish I May by Alden Richards
30th Star Awards for TV:
Best Celebrity Talk Show: Tonight with Boy Abunda (ABS-CBN)
Best Magazine Show: Rated K (ABS-CBN)
Best Travel Show: Biyahe ni Drew (GMA)
Best Game Show: Wowowin (GMA)
Best Public Affairs Program: Bottomline (ABS-CBN)
Best Documentary Special: Politika at Pamilya, Sila Noon, Sila Pa Rin Ngayon (ABS-CBN)
Best Documentary Program: Reel Time
Best Morning Show: Unang Hirit (GMA)
Best New Male TV Personality: Simon "Onyok" Pineda and Jake Ejercito
Best Morning Show Host: Anthony Taberna, Jorge Cariño, Atom Araullo, Amy Perez, Ariel Ureta, Winnie Cordero, and Gretchen Ho (Umagang Kay Ganda)
Best Documentary Program Host: Malou Mangahas (Investigative Documentaries)
Best News Program: 24 Oras and TV Patrol
Best Male Newscaster: Erwin Tulfo (Aksyon Prime TV5)
Best Female Newscaster: Vicky Morales (24 Oras)
Female Star of the Night for TV: Yassi Pressman
Male Star of the Night for TV: Luis Manzano
Best Game Show Host: Luis Manzano (Kapamilya Deal or No Deal)
Best Talent Search Host: Luis Manzano, Robi Domingo and Kim Chiu (The Voice Kids 3)
Best Magazine Show Host: Korina Sanchez
Best Celebrity Talk Show Host: Boy Abunda
Best Drama Anthology: Ipaglaban Mo
Best Drama Supporting Actor: Arjo Atayde and Arron Villaflor
Best Supporting Actress: Sunshine Dizon (Little Nanay)
Best Single Performance by an Actor: Kristoffer Martin
Best Single Performance by an Actress: Claudine Barretto
Best Noontime Show: Sunday PinaSaya
Best Musical Variety Show: ASAP
Best Male TV Host: Luis Manzano
Best Female TV Host: Anne Curtis
Best Gag Show: Goin' Bulilit
Best Comedy Sitcom: Pepito Manaloto
Best Actor in Comedy: Jose Manalo
Best Comedy Actress: Manilyn Reynes
Best Daytime Drama Series: Doble Kara
Best Primetime Drama Series: Ang Probinsyano
Best Drama Actress: Jennylyn Mercado
Best Drama Actor: Coco Martin
Best TV Station: ABS-CBN
German Moreno Power Tandem Award: Kim Chiu and Xian Lim
Ading Fernando Lifetime Achievement Award: Maricel Soriano
Excellence in Broadcasting Achievement Award: Luchi Cruz Valdez
Pilita Corrales Lifetime Achievement: Dulce
Parangal Levi Celerio: Vic del Rosario