Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Urong-sulong, wala rin sa huli

29 November 2016

Isang linggong may camping ang alaga ni Elsa, at sinamantala niya ang pagkakataon para magpaalam sa amo na lalabas siya ng maaga sa araw ng Lunes. Pumayag naman ang amo, ngunit nakiusap na kung maari ay ibaba muna niya ang alagang aso ng alas sais ng umaga bago siya umalis, o kaya ay ibilin niya sa mga kapwa katulong niya na kapitbahay rin nila.

Kinausap ni Elsa si Rosie na katulong ng kapitbahay na katrabaho ng kanyang amo, at pumayag naman ito. Agad na pinaalam ni Elsa sa kanyang amo ang usapan nila ni Rosie.

Linggo ng gabi ay pinuntahan muli ni Elsa si Rosie para ipaalala ang kanilang usapan. Kinaumagahan ay naghanda nang umalis si Elsa, ngunit pagbukas niya ng kanilang pintuan ay nakita niya ang nakaipit na isang munting papel na nakatiklop.

Sulat pala ito mula kay Rosie na humihingi ng paumanhin dahil wala daw pala syang oras na magpaihi ng alagang aso ng kapitbahay dahil marami siyang trabaho.

Inis na naghintay ng alas nuwebe si Elsa para mailabas ang aso, kaya alas diyes na rin siya nakaalis ng bahay. Sana daw ay hindi na lang siya pinaasa ni Rosie dahil pwede naman sanang ang kanyang amo na lang ang nagdala sa labas ng aso kung walang ibang mapagbilinan.

Si Elsa ay tubong Ilocos, 30 taong gulang, may isang anak, at naninilbihan sa pamilyang Briton sa Central. — Grace Gonzaga

Don't Miss