Nasindak na lang silang lahat sa playroom nang biglang sinugod si Joy ng mga magulang at lola ng bata, at dinuro-duro ang Pilipina. Agad ipinagtanggol ni Ana si Joy sa mga sumugod at sinabing hindi totoo ang paratang ng bata.
Magkatabi silang nakaupo noon ni Joy at pinanonood ang mga bata, nang biglang mag-alburuto ang alaga nito at tumakbong palabas papunta sa nanay nito na naglalaro ng bowling sa loob din ng clubhouse.
Hindi naman nagpaawat ang mag-asawang Intsik. Pagkatapos minura-mura si Ana ay nagtawag pa sila ng mga guard sa clubhouse upang i-report ang pinaniniwalaang sumbong ng kanilang malditong anak. Habang nagkakagulo sila ay umuwi na si Ana sa kanilang bahay, at saka nagsumbong sa among lalaki.
Sinabi ng amo na dapat tinawagan siya agad noong oras na kinakastigo siya para mayroong nagtanggol sa kanya. Maya-maya ay may nag-doorbell na pulis sa kanilang bahay, at sinabing gusto siyang kausapin tungkol sa inihaing reklamo laban sa kanya.
Pinayuhan siya ng amo na humarap sa mga pulis at sabihin kung ano ang totoong nangyari. Dahil sa suporta ng kanyang amo ay tumibay ang kagustuhan ni Ana na ipaglaban ang katotoohanan. Hindi siya natatakot dahil may CCTV naman sa loob ng clubhouse, at alam niyang iyon ang magpapatunay ng katotohanan.
Sa kabila nito ay may agam-agam din si Ana dahil noong una ay pinayuhan siya ng mga amo na sabihin na niya sa mga pulis na sinaktan nga ni Joy ang alaga pero hindi siya pumayag. Sa harapan ng pulis at mga amo, pinagpilitan niyang hindi totoo ang paratang tungkol sa kapwa niya Pinay.
Pagkatapos silang kausapin ay saka pinanood ng mga pulis ang CCTV at napatunayan nilang nagsasabi ng totoo ang mga Pilipina.
Nakahinga naman ng maluwag si Ana dahil kahit sinuway niya ang utos ng mga amo ay hindi siya sinesante. Kinaumagahan ay nagkita ang dalawa sa playroom at nagpasalamat si Joy sa pagtatanggol ni Ana sa kanya.
Nasambit ni Joy na may mga mapagmalasakit pa rin palang mga kapwa Pinoy na handang ma-terminate para lamang maipaglaban ang katotohanan para sa isang kababayan.
Sina Joy at Ana ay parehong dalaga, at naninilbihan sa Tai Wai.—Marites Palma