Mabilis niyang sinabi na doon mismo sa bayan nila nag “landfall” ang bagyo kaya maraming bahay ang nawalan ng bubong, kabilang ang sa kanila, at pati ang sa mga kapatid niya. Naantig ang damdamin ng amo at agad siyang binigyan ng $7,000 para makapagpadala daw siya kaagad ng pera at maayos ang bahay nila.
Lumuluhang nagpasalamat si Jocelyn sa mabait na amo. Bagama’t kapipirma lang niya sa pangalawang kontrata sa amo ay nakita niya agad ang malasakit nito. Mabait din naman kasi si Jocelyn sa mga amo at lalo na sa dalawang batang alaga niya. Maasikaso siya sa kanila, masipag at mapagkakatiwalaan kaya biniyayaan din siya sa panahong nangangailangan siya.
Dito lalong naniwala si Jocelyn na walang pagsubok na ibinibigay ang Diyos na hindi natin kayang harapin. Huwag lamang tayong mawalan ng tiwala.
Si Jocelyn ay isang dalaga, kasalukuyang naninilbihan sa mga Intsik na pamilya sa Tai Wai. – Marites Palma