Kaya tuwing naliligo si Marie ay napapahiyaw siya sa ginaw at napapaiyak tuwing nanginginig na ang kanyang katawan pagkatapos niyang maligo. Ngunit tiniis niya iyon sa loob ng dalawang taon sa tindi ang kanyang pangangailangan ng pera, dahil ayaw niyang mahinto sa pag-aaral ang mga anak.
Nawawala lamang ang nararamdaman niyang ginaw tuwing napapasakamay niya ang kanyang buwanang sahod.
Noong malapit nang matapos ang kanyang kontrata ay kinausap siya ng kanyang among Intsik na pipirmahan siya muli ngunit buong tapang na siyang tumanggi at sinabing hindi na niya kayang maligo na walang heater tuwing taglamig. Nagkibit-balikat lamang ang kanyang amo at sinabing kukuha na lang daw sila ng bago na galing sa Pilipinas.
Hindi naman nahirapang humanap ng bagong amo si Marie. Naging masuwerte siya sa pangalawang amo dahil pwede na siyang gumamit ng heater sa paliligo at maging sa paglilinis at paghuhugas. Si Marie ay tubong-Cagayan Valley at kasalukuyang naninilniban sa New Territories. Siya ay may asawa at anak.— Marites Palma