Inihatid ang bata ng kanyang magulang na Briton, at si Mila ang susundo. Kabilin-bilinan ng amo na hangga’t maari ay huwag silang sumakay ng taxi dahil meron namang bus. Pilit sinunod ni Mila ang utos, pero halos isang oras na silang naghihintay ng alaga ay hindi pa rin sila makasakay ng bus. Lahat kasi ng dumadaan ay punong-puno kaya hindi na tumitigil sa kanilang kinatatayuan.
Maya-maya ay nilapitan sila ng isa sa dalawang lalaki na naghihintay din ng bus, at niyaya silang magsabay na lang sila sa taxi at maghati sa bayad. Takot na lumayo si Mila na ang iniisip ay baka dukutin sila ng kanyang alaga. Hindi niya mapigilan ang hindi manginig at manlamig ang mga kamay, hanggang may dumating na taxi.
Pinauna naman sila ng mga lalaki na sumakay, ngunit kinausap ng Intsik ang drayber pagkatapos. Sumakay ang isa sa mga lalaki sa harapan, at ang isa ay tumabi kay Mila. Halos himatayin si Mila sa nerbiyos at kinailaingang kurot-kurutin ang mga kamay para masigurong hindi siya hihimatayin.
Habang nasa daan ay tinanong siya ng katabing lalaki kung ano ang kanyang iniisip, dahil nahalata daw nito ang kanyang pananahimik at malaking takot. Sinabi naman ni Mila na pinagbilinan kasi sila ng kanyang amo na huwag sumakay ng taxi, kaya lang ay lumalalim na ang gabi kaya nagdesisyon siyang suwayin na ang utos.
Naibsan ang pag-aalala ni Mila nang bumaba ang mga lalaki bago sila inhatid ng taxi sa kanilang tirahan sa Wanchai. Si Mila ay 30 taong gulang, may tatlong anak, at apat na taon na sa Hong Kong. —- Grace Gonzaga