Hindi niya naisip na maaga pa lang ay pinapayagan na siyang lumabas tuwing Sabado ng gabi, at kinabukasan na ang uwi.
Kampante siya na hindi siya papalitan ng amo dahil spoiled daw siya sa kanila. Dahil likas na mababait ang mga amo ay hindi sila nagparamdaman ng kakaiba kay Joy.
Pero isang araw, nabigla na lamang si Joy at halos mapaiyak sa sama ng loob nang dumating na ang kanyang kapalit at pinapababa na siya ora mismo. Noon lamang siya natauhan ngunit huli na ang lahat. Gayunpaman, nanatili siyang mapang-mataas.
Naikuwento niya sa isang ka building na pinababa siya dahil hindi daw siya pumayag sa gusto ng amo na isama siya sa Amerika, at mag-anak ng isa pa. Dahil daw umayaw siya ay pinababa siya nang wala sa oras.
Tiyempo namang nagkakwentuhan sa bus ang kinuwentuhan at isang malapit kay Joy, kaya lumabas din ang katotohanan. Napatawa na lamang ang dalawang Pinay at ang sabi ng isa ay napakayabang kasi ni Joy at abusado kaya iyon ang napala niya.
Si Joy ay isang Bisaya. at kandarapa ngayon sa paghahahap ng bagong amo. - Marites Palma