Isang mahabang hapag kainan ang pinagsaluhan ng mga kasapi at bisita ng bagong tatag na Annak ti Ciudad ti Batac Association. |
Umabot sa 100 katao ang sumali sa boodle fight sa hapag na may habang 18 metro, na ayon sa mga taga Batac ay siyang pinakamahaba sa buong kasaysayan ng Hong Kong.
Ang “boodle fight” ay isang klase ng pagsalo-salo kung saan ang pagkain ay ipinapatong sa mga dahon ng saging na nakalatag sa mahabang mesa. Walang plato o kubyertos na ginagamit, at ang mga magkakasalo ay mag-aagawan sa puwesto sa harap ng pagkain pagkatapos ng isang hudyat. Ang mga militar ang unang nagsagawa ng ganitong istilo ng pagsasalo-salo.
Kasabay ng boodle fight ay ang paggawa ng mga miyembro ng ipinagmamalaki nilang Batac empanada na gawa sa pinaghalong munggo at ginadgad na papaya, at hinaluan ng tanyag na longganisang Ilocos at itlog, at binalot sa masa ng rice flour.
Naniniwala ang samahan na sa pamamagitan ng ganitong paraan ay maipapakilala pa nila sa madla ang mga kinagigiliwang pagkain ng Ilocos.
Ang gumawa at nagluto ng empanadang ipinatikim sa mga bisita at sa lahat ng nakiisa sa kanilang selebrasyon ay sina Meda, Jennifer, Cora, Liza, Paullette at Louie.
Nakadagdag kasiyahan ang isinagawang palabunutan na isang kabang bigas ang premyo para sa unang gantimpala, at napanalunan ni Gloria Rivera.
Ang ikalawang gamtimpala ay Php1,500 na halaga ng mga de lata at iba pang mga produktong pagkain na natanggap naman ito ni Lowie Addu. Kalahating sako ng bigas naman ang premoyo sa pangatlong gantimpala.
Ang tatlong pangunahing premyo ay natanggap ng mga pamilya ng mga nanalo sa Pilipinas.
Sampung consolation prizes naman ang nabunot ng mga dumalo sa kasiyahan at inisponsoran ito ni Josephine Sibucano.
Hinihikayat ng Annak ti Ciudad ti Batac Association ang lahat ng mga taga-Batac na naririto sa Hong Kong at nais makiisa sa mga mithiin ng grupo, na tumawag sa mobile no. 54419854.
Ang pagluluto ng Batac empanada. |
Ang mga kinatawan ay sina Ginalyn Agacia, Marites Manglal-lan, Ludy Marzan,Ezperanza Catubo, Gloria Rivera, Maryjean Miguel, Demrose Placido, at Jennifer Bernardo.
Mga tagapayo naman ay sina Nilda Domingo, Josephine Sibucao, Reyma Marcos, Shirley Mata, Marista Paguibitan, Milagros Domingo, at Imelda Paraoan. Ang musikero at publisher na si Arnold Pineda ang consultant ng samahan.