Pagkatapos ng malakas na ulan at hagupit ng hangin na dala sa HongKong ng bagyong Haima (na nanalasa sa Pilipinas bilang supertyphoon Lawin), liliwanag ang panahon pagdating ng Linggo, ayon sa Hong Kong Observatory.
Pero bago ito ay makakaranas ng bagyo at pinapag-ingat ang mga taga-Hong Kong.
Sa isang report, sinabi ng weather bureau ng Hong Kong na papalapit sa Hong Kong ang Haima, at mapupunta sa loob ng 50 kilometro sa bandang hapon ng Oct. 22, kaya naghahanda ag HKO na magdeklara ng Typhoon signal no. 8 dahil dito.
At gaya ng nakaugaian, nagbabala rin ang HKO na mag-igat sa mga baha at landslide na maaring tumama sa iba't ibang lugar sa Hong Kong.