Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ipinaglaban niya ang ipinagbuntis na baby

05 October 2016

Pinayuhan ng doktor si Bella na ilaglag ang kanyang ipinagbubuntis pitong taon na ang nakakaraan dahil may diperemsiya daw ang sanggol, at maaaring pati ang buhay niya mismo ay malagay sa alanganin dahil sa kanyang karamdaman  Masyadong mababa ang bilang ng red blood cells niya dahil sa nilalabanan niyang sakit  at ayon sa doktor hindi kakayanin ng katawan niya ang magbuntis.

Ngunit hundi pumayag si Bella sa gusto ng doktor, at ang sabi ay Diyos lamang daw ang may karapatang bumawi sa kanyang ipinagbubuntis.  Naniniwala daw siya na dahil sa kanyang pananampalataya ay magiging maayos ang kalagayan nilang mag-ina.

Medyo may edad na din kasi si Bella noong ikinasal siya dahil inunang tinulungan ang mga kapatid sa kanilang pag-aaral.

Laking pasasalamat niya sa Panginoon dahil lumabas na normal at malusog ang kanyang anak, na ngayon ay nasa Grade 7 na.  Napakaganda at matalinong bata ang kanyang naging anak, at lagi niyang naiisip  ngayon na kung hindi lamang daw malakas ang paniniwala niya sa Panginoon ay wala sana siyang anghel  ngayon.

Regular pa rin ang check-up niya para makontrol ang sakit niya sa dugo, habang patuloy na naninilbihan sa kanyang mga mababait na among Chinese sa New Territories. Ang anak niya ay nasa pangangalaga ng kanyang butihing asawa sa Pilipinas. - Marites Palma

Don't Miss