Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Inapi, lumaban, nabigo

07 October 2016

Ilang buwan ding naghintay at lumaban sa kaso si Remy laban sa kanyang among pinalayas siya ng walang dahilan. Ilang buwan pa lang siyang dumating dito sa Hong Kong ay napasabak na agad siya sa isang malupit na amo. Bukod sa dami ng kanyang gawain ay kulang pa ang pagkain.

Minsan ay umaalis ng ilang araw ang kanyang amo at noodles lamang ang kanyang kinakain dahil hindi ito nag-iiwan ng perang pambili ng pagkain. Kadalasan nga ay siya na ang gumagastos sa kanyang pagkain.

Isang araw ay agad na siyang pinalayas nito at hindi niya alam ang dahilan. Bagong salta siya sa kanilang lugar sa New Territories at hindi niya alam kung saan siya pupunta nang gabing pinaalis siya ng amo.

Mabuti na lang at may isang Pinay na tumulong sa kanya. Dinala din siya sa isang NGO na tumutulong sa mga nangangailangan. Nanatili pa si Remy ng ilang buwan dito sa Hong Kong dahil may tumulong sa kanya na idulog sa Labour Dept. ang kanyang kaso upang makuha ang kanyang mga benepisyo.

Tumagal din ng halos tatlong buwan ang kaso dahil sa hindi pagsipot ng kanyang amo. Nakituloy lang si Remy sa mga nagmamagandang loob na kapwa Pinay at kung minsan ay inaabutan din siya ng pera at pagkain.

Kalaunan ay natapos na rin ang kanyang kaso at nabigo siyang maparusahan ang among umapi sa kanya. Napakaliit din ng benepisyong nakuha niya. Ang suweldo lang na hindi niya nakuha at ang ilang mga bayarin sa kanya ang natanggap.

Sa kasamaang palad, hindi rin nakakuha ng bagong amo si Remy. At sa takda ng kanyang visitor’s visa, walang nagawa si Remy kundi umuwing luhaan at hindi na nabawi man lang ang malaking halagang binayad niya sa placement fee para makarating lang dito sa Hong Kong.

Ngunit tila walang dala si Remy dahil ayon sa kanya, mag-iipon lang siya at mag-aaply muli sa abroad. –Jo Campos

Don't Miss