Yan ang kantiyaw sa kanya ng mga barkada niya. Biro nga ng iba sa kanya, hindi na raw kailangan pang kumustahin si Sophia dahil pagbukas pa lang ng fb ay status na niya ang bubulaga sa iyo. Hindi rin lahat ay natutuwa sa kanya, may mga ilang fb friends ding naiirita sa walang sawang post niya ng status at selfie.
Kung minsan nga ay ina-unfollow siya ng ilan at kung minsan ay may nag-a unfriend na rin. Tila hindi buo ang araw ni Sophia kapag di nakakapag facebook. Kung minsan kahit sa banyo ay sumasalisi pa rin para mag-check ng kanyang status, at masayang masaya siya kapag nakikita niyang maraming like ang kanyang post.
Kung minsan ay inaaway din siya dahil sa nga shared post niya na taliwas sa paniniwala ng iba. Pero hindi niya ito inuurungan. Mas lalong maraming nakakapansin sa kanya, mas nagugustuhan niya.
Biro ng kanyang kapatid, hindi daw diary ang facebook, at sa pasko ay diary daw ang ireregalo nito sa kapatid para di na niya ipangalandakan sa buong mundo ang kanyang saloobin.
Napansin din ito ng kanyang amo dahil minsan ay sinabi nito kay Sophia na kahit hindi niya naiintindihan karaniwan ang post nito ay napapansin daw na madalas siyang online. Mabuti na lang at mabait ang amo ni Sophia at di siya pinagbabawalan basta tapos na lahat ng kanyang gawain sa bahay. –Jo Campos