Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Lugi pa sa pang-gasolina

08 September 2016

Santambak na mga karton at papel ang naipon ni Perla dahil sa paglipat nila ng bahay. Imbes na itapon sa basurahan ay pinagtiyagaan niya itong ayusin para ibenta. Pumayag naman ang kanyang amo sa plano at pati ito ay nangalap din ng mga lumang libro at papeles para idagdag sa tambak. Nang makaipon ay ipinagamit pa ng amo ang kanilang sasakyan para dalhin ang mga papel sa bentahan. Kandahirap siyang isakay at ibaba ang mga tinuping karton dahil sa dami at bigat. Umabot sa halos 100 kilo ang bigat ng kanilang dala ngunit nang matanggap ang bayad ay hindi man lang ito sumapat para mapawi ang kanyang pagod. Kung tutuusin kasi ay mas malaki pa ang nagamit nilang gasolina kaysa pinagbentahan nila. Pag-uwi sa bahay ay kantiyaw ang inabot niya sa kanyang amo. Bilang pampalubag loob ay sinabi na lang ni Perla na kahit paano ay na-recycle ang kanilang santambak na basura.—Gina N. Ordona


Don't Miss