Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Lav Diaz film, Best Picture sa 73rd Venice Filmfest

19 September 2016

Nanalo ng Golden Lion prize para sa Best Picture ang pelikulang  “Ang Babaeng Humayo” (The Woman Who Left) ang batikang director na si Lav Diaz sa katatapos na 73rd Venice Film Festival.
Ang black and white na pelikula na halos apat na oras (228 minuto) ang haba na produced ng Sine Olivia at Cinema Originals, ay tinampukan ni Charo Santos sa kanyang muling pagbabalik sa pag-arte, matapos ang halos dalawang dekada. Malakas din ang naging laban niya bilang best actress, pero tinalo siya ng Hollywood actress na si Emma Stone.

Ang nanalong lahok ng Pilipinas ay tinampukan din nina John Lloyd Cruz, Michael de Mesa, Shamaine Centenera-Buencamino, Nonie Buencamino, Marj Lorico, Mayen Estanero, Romelyn Sale, Lao Rodriguez, Jean Judith Javier, Mae Paner at Kakai Bautista.

Ang pelikula ay inspired ng maikling kuwentong isinulat ng Russian author na si Leo Tolstoy, na tungkol sa isang lalaking nakulong sa salang pagpatay, na hindi naman niya ginawa. Ang kabuuan ng pelikula ay kinunan sa Calapan, Mindoro, kung saan lumaki si Charo.

Umani ng papuri at palakpak ang pelikula nang ipalabas ito sa festival noong September 9. Bago ipamahagi ang mga major awards, nauna nang hinirang na Best Foreign Film ang “Ang Babaeng Humayo” sa Sorriso Diverso Venezia 2016 awards.

Ang British film director na si Sam Mendes ang namuno sa mga hurado na pumili ng mga nanalo ibat ibang kategorya mula sa  20 pelikulang kalahok sa main competition, kabilang ang mga pelikulang pinangunahan nina Jake Gyllenhaal, Michael Fassbender, Cate Blanchett, Amy Adams at Alicia Vikaander at Emma Stone. Ilan sa mga sikat na mga artistang dumalo ay sina Natalie Portman, Chris Pratt at Denzel Washington.  

Ang mga nanalo:  
Golden Lion: Lav Diaz, "The Woman Who Left"; Philippines;
Silver Lion director (tie): Andre Konchalovsky, "Paradise"; Russia, Germany; and Amat Escalante, "The Untamed"; Mexico
Jury grand prize: "Nocturnal Animals," Tom Ford;
U.S; Special Jury Prize: "The Bad Batch," Ana Lily Amirpour; U.S.;
Best Actor: Oscar Martinez, "The Distinguished Citizen"; Argentina, Spain;
Best Actress: Emma Stone, "La La Land"; U.S.;
Best Screenplay: Noah Oppenheim, "Jackie"; U.S.;
Marcello Mastroianni Prize for Young Performer: Paula Beer, "Frantz"; France.;
Luigi De Laurentiis Lion of the Future: "The Last of Us," Aladdine Slim; Tunisia.

ISABELLE AT ADRIEN, IKINASAL NA
Ikinasal na si Isabelle Diaz kay Adrien Semblat, isang French national na anim na taon na niyang karelasyon, noong Sept. 10 sa St. Francis Church sa Tuscany, Italy.
Ilan sa mga dumalo sa kasal at reception na ginanap sa Castello di Gorgonza, ay ang ina ni Isabelle na si Gloria Diaz, mga kapatid na sina Ava at Rafael, pinsang si Georgina Wilson at mga kaibigang sina Anne Curtis, Solenn Heussaff, Liz Uy, Erwan Heussaff, Jasmine Curtis Smith, Jeff Ortega, Rajo Laurel, Tim Yap, at Sen. Bongbong Marcos (matalik na kaibigan ng ama niyang si Bong Daza, na namatay noong July 14) na naghatid sa kanya sa altar.
Ang simple pero eleganteng wedding gown ni Isabelle ay gawa ng sikat na American fashion designer na si Vera Wang, samantalang navy blue suit ang suot ng kanyang dashing groom.
Isang buwan bago ikinasal, isinama ni Isabelle ang kanyang pamilya at ilang kaibigan sa Bali, Indonesia para sa kanyang bachelorette party. Kabilang sa mga sumama sa grupo  sina Raymond Gutierrez, Bea Soriano Dee, Carla Humphries, Nicole Anderson,  Solenn at ilan pang mga kaibigan.

KRIS, NAGPAALAM NA SA ABS CBN 
Hindi maitago na mabigat ang loob ni Kris Aquino na lisanin ang ABS CBN, dahil marahil sa pananaw niya na isa siya sa mga naging haligi nito sa loob 20 taon niyang  pagta-trabaho dito. Sa kanyang sunud-sunod na post sa Instagram, ibinahagi niya ang kanyang sentimyento na naging dahilan upang lumipat siya sa APT Entertainment. Ang isang bahagi ng kanyang post: “I want to tell you our truth & I pray you'll understand... 20 years ago, I went back to ABS-CBN after a year w/ GMA (Star Talk & a Viva produced afternoon talk show). It started w/ “Today w/ Kris Aquino” & ended w/ “Kris TV”. We had a memorable, excellent run. ABS saw me through my worst & my best. I had the chance to be part of career defining shows like TWKA, The Buzz, Game KNB, Deal or No Deal, PGT etc & had iconic movies like Feng Shui & Sukob. We were set to renew our contract February 2016, it was a generous, less demanding agreement but at that time there was a threat to my life we needed to take seriously, I had to regain my health, and I needed time for my family & me. We didn't sign then, I went to Hawaii, came back to campaign, then left again. Our agreement was we'd talk when I got back. That is the risk of taking time for yourself- when you come back there's no guarantee that a space will be held for you. We spoke in July but there was no definite show & no assured time frame of my return on air. I perfectly understood- as much as I wanted to believe I was a pillar of the network, everybody is dispensable. And I say that with no bitterness- just HONESTY. So to all of you saying please don't leave- it wasn't a choice that was just mine to make. I take my share of the responsibility. And I say that w/ so much gratitude in my heart."

Nauna dito, ipinahiwatig na niya na tiyak na ang muling pagbabalik niya sa TV para sa programang gagawin niya para sa APT Entertainment, na mapapanood sa GMA Network. Binanggit niya na mangingibang bansa muna silang mag-iina bago siya mag-resume ng taping sa Sept. 22 upang sulitin ang oras na makasama niya sina Bimby at Josh, dahil magiging abala siya sa trabaho hanggang Disyembre.

Wala pang announcement kung kailan ipapalabas ang show ni Kris at kung anong klaseng show ito, pero may nagsasabing hindi ito isang talk show, at hindi rin ito katulad ng dati niyang show na “Kris”.

Matatandaang hindi nagkasundo sina Kris at ang dati niyang network na ABS CBN nang huling mag-usap sila. Gusto ni Kris ng mas mahabang kontrata upang magkaroon ng seguridad ang kanyang trabaho, pero dalawang taon  lang ang offer sa kanya ng Kapamilya network.

Hinihintay ng marami kung muling magkakabati at manumbalik ang pagkakaibigan nina Kris at Ai Ai delas Alas, na nauna nang bumalik sa GMA Network, ngayong  pareho  na silang Kapuso.

SI ANGEL PA RIN ANG DARNA
Kinumpirma ni Malou Santos, Star Cinema head, na si Angel Locsin pa rin ang gaganap na Darna. Ito ay sa kabila ng paglutang ng iba-t ibang pangalan ng mga artista, at ang iba ay talagang naglabas pa ng mga litarato na nakasuot ng Darna costume. Nagpahayag kasi si Angel, ilang buwan ang nakakaran, na kailangan niyang i-give-up ang role niya na matagal na niyang pinaghahandaan, dahil nagkaroon siya ng disc bulge sa kanyang spine.

Dalawang beses siyang bumalik sa Singapore para ipa-opera ito, at ngayon ay tila magaling na siya. Noong nakaraang buwan ay nag-post pa siya ng litrato na naka-Darna-pose, kaya nabuhayan ng loob ang kanyang mga fans na talagang nakikipaglaban na huwag ibigay sa iba ang role, dahil sa kanya lang daw ito nababagay.

Kamakailan ay napasali ang pangalan ni Angel sa MTV Australia’s sexiest list, kaya laking tuwa ng kanyang mga fans, dahil tinalo man siya ni Jessy Mendiola sa FHM’s sexiest list, nakabawi naman siya dahil pawang mga international celebrities ang mga nakasama niya sa listahan. Si Jessy ang napapabalitang girlfriend ngayon ni Luis Manzano, matapos silang mag-break ni Angel.
May bagong pelikulang gagawin si Angel na katambal sina Zanjoe Marudo at Sam Milby na maaaring ipalabas bago matapos ang taong ito.

KAPATID NG AKTRES, PINATAY
Malagim ang sinapit ni Aurora Moynihan, 45, kapatid ng aktres na si Maritoni Fernandez nang pagbabarilin ito at mapatay ng mga hindi pa kilalang mga salarin na nakasakay  sa  isang van, noong madaling araw ng Sept 10. Iniwan ang biktima sa tabi ng kalsada sa isang lugar sa Quezon City, na may cardboard na may  nakalagay na “ Drug pusher ng mga celebrities, kasunod na kayo”. May nakuha ang mga awtoridad na mga basyo ng bala, apat na plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia sa lugar ng pinangyarihan.  .

Ayon kay QCPD Sr. Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, wala daw sa listahan ng QCPD drugs watchlist si Moynihan, at hindi rin ito nakatira sa Quezon City, kundi sa Makati City.

Noong Biyernes din ay nahuli sa isang diumano ay buy-bust operation si Philip Salonga,  half brother ng singer/actress na si Lea Salonga. Siya umano ay isa sa mga distributors ng ecstasy at ibang party drugs, at pati ang dalawa pa nitong kasama.

Dahil sa usap-usapan na ilalabas na rin ang listahan ng mga celebrities na sangkot sa droga, kasunod ng mga naunang inilabas na listahan ng mga  pangalan ng mga pulitiko, pulis at ibang personalidad, minabuti na ng ilang mga artista na sumailalaim sa drug test.

Kabilang sa mga nagpa-test para patunayang hindi sila drug user ay ang 40 artista ng Star Magic, kabilang sina Enrique Gil, Jake Cuenca, Patrick Garcia at Diego Loyzaga, Viva artists na sina Anne Curtis, James Reid, Solenn Heusaff at Claudine Barretto. Boluntaryo ring nagpa drug test si Luis Manzano. Lahat sila ay negatibo sa paggamit ng droga.

Don't Miss