Ang nagwaging pagtatanghal ng Masskara ng Visayas Alliance. |
Binigyang buhay ng mga mananayaw na kasapi ng Global Alliance Hong Kong ang ilan sa mga sayaw ng Pilipinas sa kanilang pagdiriwang ng Aliwan Festival na ginanap sa Chater Road.
Tinanghal ang Visayas Alliance o Visa na kampeon para sa kanilang pagtatanghal ng Masskara festival. Nakuha naman ng La Union Federation of HK o Lufo HK ang pangalawang puwesto, at pumangatlo ang The Luzon Alliance International o TLAI.
Para naman sa paligsahan ng katutubong sayaw, nasungkit ng Lufo HK ang kampeonato dahil sa kanilang pagsayaw ng kawkawati folk dance. Pumangalawa ang TLAI, pangatlo ang Sectoral Group at pang-apat naman ang Visa.
Inumpisahan ng Global Alliance ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang parada sa kahabaan ng Chater Road. Sinundan ito ng pagtugtog sa Pambansang Awit na pinangunahan ng Mindanao (HK) Workers Federation Drum and Lyre Corps.
Bago ang paligsahan, nagtanghal muna ang mga miembro ng Global Alliance ng line dancing.