Nanguna si Konsul Heneral Bernardita Catalla sa pasinaya na nagbukas ng Buwan ng Wika sa Konsulado. |
Nanguna sa pamamahagi ng sertipiko ng pasasalamat sa magkasunod na Linggo, Agosto 21 at 28, si Konsul Heneral Bernardita Catalla.
Ang mga unang pinarangalan ay ang mga lider ng mga asosasyon na sumali sa ikatlong taon ng “Kapangyawan Friendship Festival”, na isinasagawa upang ipagdiwang ang anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Ang mga kinilala naman sa ikalawang Linggo ay ang mga lumahok at lumikha sa dulang “Ugoy ng Duyan” na ipinalabas sa Y Theatre noong nakaraang buwan.
Sa pambungad na pananalita ni Congen Catalla ay kanyang pinasalamatan ang mga nagsakripisyo para maisagawa nang matagumpay ang taunang Kapangyawan, at pati na rin ang mga nagpakita ng kanilang talento sa isinagawang palabas.
Hinimok niya ang lahat na na ipagpatuloy ang mga magagandang adhikain ng bawat asosasyon para maisulong ang kulturang Pilipino.
Nagkaroon ng maliit na salo salo bago sinimulan ang programa sa parehong Linggo. Ayon kay Congen, ito ay paniniguro na walang magugutom sa oras ng pagtitipon.
May palabas na sine din pagkatapos ng programa.
Sa unang Linggo, ang ipinalabas ay ang "Bonifacio", na umantig sa damdamin ng bawat manonood, dahil sa pagpapakita nito ng kabayanihan ng tatlong martir na paring Pilipino na sina Padre Gomez, Burgos at Zamora.
Noong Agosto 28 ay ipinalabas naman ang “K’na: The Dreamweaver”, tungkol sa mga kaugalian ng mga tribong Muslim sa magkabilang dulo ng lawa ng Sebu sa South Cotabato. – may dagdag-ulat mula kay Marites Palma