Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Babala sa pupunta sa beach

13 September 2016

Ang Shek-O Beach ay isa sa mga popular na puntahan tuwing holiday.
Nagbabala ang Leisure and Cultural Services Department laban sa sa paglangoy sa ilang baybayin sa Hong Kong dahil sa malalaking alon na babayo rito. Maliban dito at magiging maulan sa takdang piyesta opisyal, sa Sept. 16.

Ang malalakas na hangin na sanhi ng alon ay dala ng papalapit na bagyo, ang Typhoon Meranti, na itinatayang tatama sa China, mga 400 kilometro as silangan ng Hong Kong, sa ika-15 ng Setyembre. Mayroon itong pagbugso na umaabot sa 220 KPH.

(Note: Balik-balikan po ang balitang ito dahil may mga updates mula sa Weather Observatory)

Naglabas ng babala ang LCSD sa harap ng piyesta opisyal sa Sept. 16 dahil sa nalalapit na Mid-Autumn Festival sa Sept. 15, at inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa mga baybayin upang magpalipas ng oras. 

Ilan sa mga beach na tinaasan ng red flag ng LCSD ang sumusunod:

  • Stanley Main Beach, Shek O Beach Big Wave Bay Beach sa Southern District, Hong Kong Island; 
  • Clear Water Bay First Beach at Clear Water Bay Second Beach sa Sai Kung District. 

Nagsabi ang LCSD na huwag  lumangoy sa nasabing mga beach upang maiwasan ang kapahamakan.
Ang mooncake ay karaniwang panregalo
ng mga taga Hong Kong sa isa't isa.

Nagbabala rin ang LCSD na istrikto nitong ipatutupad ang mga ordinansa laban sa pagkakalap sa mga beach, parke at iba pang pampublikong lugar. Ang mga nahuli na nagkakalat ay pagmumultahin ng $1,500. 

Ang mga nahuli naman na nag susunog ng wax, naghahagis ng basura sa mga puno at nagpapalipad ng sky lantern (mga parol na lumilipad dahil may kandila sa loob) ay pagmumultahin ng hanggang $2,000 at ikukulong ng 14 na araw.

Don't Miss