Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Alam mo na ba?

04 September 2016

Isa sa katangian ng mga Pilipino sa Hong Kong ay ang pagiging maalam sa mga nangyayari sa pali-paligid nila. Kinikilala rin sila bilang maalam sa karapatan, at mga tungkulin at pananagutan nila—mga bagay na nagresulta ng respeto para sa mga Pilipino ng kalahatan.
Mataas kasi ang pinag-aralan ng mga Pilipino.
Pasensiya na kung magbubuhat kami ng bangko sa  puntong ito, pero hindi natin matatawaran ang nagawa ng The SUN sa katayuan nilang ito sa lipunan, dahil sa paghahatid ng balitang tunay at matalinong pagtalakay ng mga paksang may kabuluhan sa mga Pilipino sa Hong Kong.
At mas mabilis na ngayong maipapaabot namin sa inyo ang balita. Halimbawa ay ang nakalipas na eleksiyon, kung saan ay may live coverage kami. Isa pa ay ang nakatakdang pagtataas ng sahod, na hinihintay ng lahat. Sa pamamagitan ng aming website  (www.sunwebhk.com), makakarating sa inyo ang balita  sa loob lamang ng minuto matapos mangyari ito.
Hindi na kailangang hintayin pa ang susunod na isyu ng The SUN upang malaman ang mga balita. Isang pindot lang sa iyong smart phone ay malalaman mo ang nangyari.
At kung gumagamit ka ng Facebook, mas madali mo pang malalaman dahil makakatanggap ka ng alert—kung nag-like ka sa aming FB page (The SUN Hong Kong).
Nasanay na yata ang mga Pilipino sa Hong Kong na buksan ang mga balitang hatid namin, kaya naman noong Aug. 30 ay naitala ang pinakamataas na “pageview” ng The SUN website: 102,860. Iyan ay bilang ng tingin sa mga pahina ng website sa loob ng 24 oras.
Hindi lang iyan ang nakikita naming statistics ng aming website. Alam din namin na 94% ng mga bumibisita dito ay gumamit ng Android phone. Nakikita rin namin kung ano ang pinakagusto ninyong basahin — isang paraan upan malaman kung papaano namin pagbubutihin ang aming serbisyo.
Ano naman ang mababasa sa The SUN kung lumabas na ang balita sa website namin?
Dahil mas maraming ang oras namin magsulat ng mas malamang balita, mapapansin ninyo ang kaibahan kapag regular na nagbabasa kayo ng pareho.
Sa loob ng 21 taon, ito ang aming sikreto kung bakit kami ay nananatiling No. 1.
Don't Miss