Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Naninibago sa bagong amo

30 August 2016


Pagkatapos ng apat na taong paninilbihan sa kanila ay lumipat ang mga Australyanong amo ni Emma sa ibang bansa, kaya kinailangan niyang maghanap ng bagong pagtatrabahuhan. Dumaan sa maraming interview si Emma bago siya nakapili ng bagong amo.
Bagong kasal ito kaya naisip ni Emma na magiging magaan lamang ang kanyang bagong trabaho kumpara sa dati dahil may dalawa siyang alagang bata. Ngunit hindi pala tama ang akala niya. Kung dati ay nasanay siya na siya ang namamahala sa lahat ng bagay sa loob ng bahay, mula sa pamimili at pag-aayos, ngayon ay di numero na lahat ng kanyang ginagawa. Nakalista ang lahat ng dapat niyang gawin, at dahil nakatakdang lumipat ang mga amo ay napagod siya nang husto sa loob lamang ng isang buwang paninilbihan sa kanila.
Hindi kasi basta-bastang pag-iimpake ang pinagawa sa kanya, dahil nakalista ang lahat ng dapat niyang gawin. Pati sa pamimili ng gamit ay nanibago siya dahil kabilin-bilinan ng amo na maging matipid siya at iyong mga pinakamurang brand lang ang kanyang bilhin.
Nasanay kasi si Emma sa dating amo na mamahalin ang lahat ng binibili mula sa budget na $5,000 bawat linggo, at wala siyang naririnig na reklamo dito hangga’t may mga resibo siyang ipinakikita. Sa pamamagitan ng mga maliliit na mga bagay pa lang na ito ay ramdam na ramdam na ni Emma na malaki ang magiging pagbabago sa kanyang buhay.
Gayunpaman, pinapanatili niyang positibo ang kanyang pananaw. Ika nga niya, hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay magiging masuwerte siya sa amo. Si Emma ay nagtatrabaho kasalukuyan sa Pokfulam.  – Jo Campos


Don't Miss