Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

May kalaguyo ang among biyuda

29 August 2016

Nandidiri na si Sunshine sa kanyang among biyuda mula nang matuklasan niya na nakikipagrelasyon ito sa asawa ng matalik niyang kaibigan. Noong una ay pinaniwala siyang magkakaibigan lang sila, pero nabisto niya ang mga ito minsang madatnan niya sa bahay ng amo ang lalaki. Noon pa kasi siya nag-iisip kung bakit lagi siyang pinapalabas ng amo tuwing day-off nito. Iyon pala ay nagpupunta sa kanilang bahay ang lalaki at doon sila nagtatagpo. Noong una ay parang nahihiya pa ang kanyang amo pero ngayon ay sadyang makapal na ang mukha nito dahil mismong sa bahay na nila ginagawa ng kalaguyo ang di dapat. Sumagi sa isip ni Sunshine na isumbong sa asawa ng lalaki ang ginagawa ng dalawa, ngunit ayaw naman din niyang makialam dahil siguradong siya ang mapuputukan. Alam din niya na darating ang panahon na magkakabistuhan silang tatlo. Ang isa pang gumugulo sa isipan ni Sunshine ay ang kanyang alagang lalaki na madalas niyang mahuli na naglalaro ng ari. Lagi niya itong sinasaway at pinagsasabihan kapag nahuhuli niya sa akto ngunit nagagalit ang bata. Sa isip-isip niya, kung isusumbong niya ang alaga paano naman ito didisiplinahin ng kanyang ina kung ang sarili niya mismo ay gumagawa ng mali? Kahit nahihirapan ang isip ay hindi naman maiwan-iwan ni Sunshine ang mag-ina dahil mabait ang mga ito, lalo na ang among biyuda. Isa pa, may hinihintay siyang visa papuntang Amerika, kaya tinitiis na lang muna niya ang pagiging kunsintidor sa amo. Si Sunshine ay dalaga at tubong Cagayan Valley, na kasalukuyang naninilbihan sa New Territories. – Marites Palma


Don't Miss