Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Bawal sa FB ang larawan ng alaga mo

29 August 2016

Muntik nang nasisante si Reyna sa kanyang trabaho dahil sa pag-upload niya ng kuhang larawan ng kanyang alaga.
Bago pa lamang siya noon nang sabihan siya ng amo na huwag ilagay sa Facebook ang sino man sa kanilang pamilya, at maging ang kanilang tirahan ay bawal ilagay ang kinaroroonan para sa kanilang seguridad. Ngunit nang halos isang taon na si Reyna sa kanila ay nakalimutan niya ang kabilin-bilinan ng kanyang mga amo.
Dahil dito ay tinawag pa ng amo ang unang nanilbihan sa kanila para pakiusapan na paliwanagan at pangaralan si Reyna. Ganito ang mensahe na ipinarating ng amo:
''Don't share the photos of the family to others. Teach children to respect the privacy of others. Parents and teachers should also encourage children to respect privacy of others in the way they would like to be respected. For example, children should be encouraged to have regard to the personal consent of their friends and families when they plan to share or tag their photographs."
Matapos ito ay nagpaalala si Reyna sa mga kapwa kasambahay na sundin ang kagustuhan ng amo para hindi sila mapagalitan o mawalan ng trabaho. Karapatan naman talaga nila na hindi magamit sa social media ang sarili nilang litrato at pamamahay, at dapat respetuhin ng mga kasambahay na nakikitira lang ang patakarang ito. Walang kinalaman dito ang kung “friends” man sila ng kanilang amo o hindi, dahil basta lumabas na sa social media ang litratong pinagbabawal ay kahit sino ay maari itong magamit o maipamahagi. Ihiwalay ang personal na buhay sa trabaho para walang mangyaring aberya. Si Reyna ay tubong Iloilot, kasalukuyang naninilbihan sa mga among Intsik sa Kowlon Tong. – Marites Palma


Don't Miss