Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Arrow daw ang simula ng code ng pinto

01 August 2016

Nang araw na naglipat ng bahay sina Maria, unang pumunta sa kanilang bagong tirahan ang amo niyang babae. Abala naman si Maria at kasama na si Mila sa pagbabantay sa mga pahinante ng kinuha nilang mover sa kanilang lumang tirahan.
Maya-maya ay nagpadala ng mensahe ang kanilang amo sa WhatApp para sa mga karagdagang bilin, pati na rin ang door code sa gusali ng kanilang lilipatang bahay. Napahinto sina Maria at Mila sa ginagawa nang mabasa ang door code na “arrow at kasunod ang apat na numero”.
“Hmm, kakaiba itong door code dahil arrow sign ang umpisa,” sabi ni Mila. Nang dumating ang dalawa sa bagong tirahan ay agad silang lumapit sa pintuan sa baba para pindutin ang door code. Ganoon na lang ang kanilang pagtataka dahil wala silang makitang simbolo ng arrow, katulad ng bilin ng kanilang amo.
Ang nakalagay lang ay mga numero at salitang “caretaker, resident at floor”. Sinubukan nilang pindutin ang “resident”, kasunod ang apat na numero, at bumukas naman ang pintuan.
Pagpasok nila sa bahay ay nilinaw nila ang code na ibinigay ng amo.
Isinalaysay naman nito ang naging usapan nito at guwardiya na nagbigay ng code.
Walang humpay ang kanilang tawanan nang mapagtanto nilang lahat na ang “ar-ro” na tinuran ng guwardiya ay R pala, dahil ganito bigkasin ng karamihan sa Intsik ang letrang ito. Sina Maria at Mila ay dating nakatira sa Conduit Road at ngayon ay nasa Old Peak Road na.–Gina Nonog


Don't Miss